#10

9 2 0
                                    

November 7, 2014
Dear Diary,

Nalate akong pumasok kaya napagalitan at napahiya ako ng guro namin. Ang bobo ko na daw nalelate pa ako. Tumawa naman ang klase.

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya bagkus ay dumeretso ako sa upuan ko ngunit nasabihan pa ako ng bastos dahil sa inaasta ko.

But I let him. Ayos lang. Matagal ko ng alam na wala akong kwenta.

Bakit ba kasi hanggang ngayon humihinga pa ako. Lord, hindi ka ba naaawa sa pinagdadaanan ko? Kung totoong ikaw ay Diyos ng pag-ibig, bakit hinahayaan mo akong maghirap ng ganito? Bakit hindi mo na lang ako pagpahingain? Pagod na ako.

Hindi ko na kaya.
Agad akong umalis pagkatapos ng klase namin. Nagtungo ako sa rooftop ng Building Z. Umupo ako habang umiiyak. Sabi nila, iiyak ko lang daw, ok na.

I cried for almost one hour. Saka ako tumayo. Tumingin sa baba. Ang taas talaga ng gusaling ito. Masaya sigurong lumipad, maging malaya katulad ng ibon. Napangiti na lamang ako.

The birds are enjoying their freedom. They said that humans also enjoy their freedom. Napapaisip na lang ako kung kabilang ako sa race na tinatawag na humans. Because I don't know freedom.

Do I belong to this race or did I just live in a wrong era?

But whatever the answer is, death is always wonderful. Death and his brother sleep. Death to this person like me who is yearning peace. Peace just like the ocean's wave gives. I want the road towards death. I want to walk on it because my birth is but a sleep and forgetting.

All these pain and unhappiness I feel will end with a blast of fire. And when there's a great fire, I will sleep and lie down on it. And I shall rest in peace. And they'll not weep.

*

Mag-aalas tres na nang magising ako. Buhay pa ako. Masakit pa rin yung sugat ko.

Saktong tumunog ang cellphone ko na makatayo na ako.

Si mama. Napaluha ako.

Sinagot ko agad ang tawag. Napakasaya ko pero akala ko lang pala. Hindi pa pala. Hindi niya ako kinumusta bagkus ay tinanong kung bakit ako nagbantang magpakamatay at kung bakit buhay pa ako. Hindi daw ako nag-iisip. Napakabobo ko daw. Kung magpapakamatay daw ako ay yung siguradong mamamatay na ako. Hindi yung mababalitaan nilang buhay pa ako.

Binabaan ako ng cellphone. Muli, wala akong nagawa kundi umiyak. Umiyak hanggang kaya ko pa. Hindi yata ako natutuyuan ng luha.

*

Nagtungo ako sa pagbilhan ng gamot para sa mga tanim at bumili ako ng isang litro. Ang mahal pala. Umuwe ako na dala dala ang gamot.

Sa kasamaang palad, nakita ni tito Noy. Kaya kinuha niya ito at niyakap ako.

Napaiyak na lang ako habang sinasabi niya na handa siyang makinig sa kung ano man ang ikukwento ko sa kaya.

Pero hindi ako nagsalita. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung bakit sila nag aalala. Bakit nga ba? Wala akong kwenta. Hindi nila ako mapapakinabangan. Hayaan na lang nila ako. Hayaan na lang nila akong mamatay. Ayoko na. Nahihirapan na ako. Hindi ko na kaya.

*

RescuedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon