Zereena's Pov
Nagising ako sa alarm clock ko. Ano bayan kulang pa tulog ko eh, hindi kasi ako masyadong makatulog kasi iniisip ko yung first kiss ko. Hindi ko ba alam kung bakit ang lakas ng impact ng kiss na yon. Di bale na nga lang.
May nakita akong sulat sa ibabaw ng lamesa-- galing kay Nika. Nakalagay dun ganito.
Bruhilda una na ako sayo.
Naghihintay kasi yung boylet ko.
Thanks for the night Yna.
Bestfriend, Nika.
7:00 amTinignan ko yung kotse kung talagang nakaaalis nya sya-- oo may sariling kotse ang bruhildang yon.
Hinawi ko muna yung kortina bago ko buksan yung bintana, tumingin ako sa garahe, wala nga yung kotse nya. Pero bago ko pa maisara yung bintana may nahagip yung mata ko.
May naka all black na lalaki, tapos may cap na kulay blue, yung tatak ng cap nya ay.. AXE GANG. Tapos parang nakatingin-- ay hindi nakatingin talaga sya sakin. Nakakatakot. Di ko makita yung mata nya kasi natatakpan ng cap nya. Anong poblema nya?
Sinara ko na yung bintana at tinakpan na ng kurtina, sana naman walang balak gawin ng masama yung lalaking yun. WAIT BAKA NGA MAY GAWIN SYANG MASAMA. Kaylangan nila malaman 'to
Bilis bilis akong tumakbo sa baba. "Oh Yna, anong nangyayari sayo?" Narinig kong tanong ni Manang Rosalinda. Hindi ko muna pinansin si Manang bilis bilis akong pumunta kay kuya Jomar.
"Kuya Jom may holdaper sa harapan natin halika bili hulihin mo sya." Sabi ko kuya at hinila sya palabas ng gate. "Ayan sya kuya J--"
"Asan sya dyan?" Sabi ni kuya Jom.
"Bakit biglang nawala ang ulol na yun." Pabulong kong saad. Nawala kasi sya kung san ko sya nakita.
"Okay ka lang ba Ma'am Yna? Kumain na po ba kayo?"
"Pasok na nga tayo kuya Jom." Sabi ko nalang. Alam kong di guni-guni yun eh. Totoo yun. Sana naman wala syang balak sa aming masama.
------
"Huy Nika!" Sabi ko kay Nika-- nasa school na kasi ako.
"Bye!!" Sabi ni Nika dun sa kausap nya. Malamang lalaki ang kausap nya.
"Oh?" Sabi niya.
"Ang aga mo namang mang-landi -_-" Sabi ko.
"Hindi ka pa ba na sanay."
"Alam ko, pero wag mo namang araw-arawin."
"Hindi ko mapigilan, kasi ang daming pogi sa campus Ynaaa!!"
Aray my eardrums, maka react naman to. Ang dami lang pogi eh. Tch. Parang di naman.
"Hi." Isa naman sa boylet 'to ni Nika, nako na talaga. Ako na naman yata mag- isa mag lalakad.
"Hell--" Babati din ata si Nika nung bigla nalang mag salita yung lalaki.
"Hi Zereena." Zereena daw. Ako? Tanga tanga. Syempre ako. Bakit ako? Tch.
Humarap ako sakanya. Nakita ko na 'to eh. Ka classmate ko ba 'to. Parang eh, mukhang kaylangan ko ng uminom ng pang paaalala(yung iniindorse ni kuya Kim)medyo nagiging makalilimutin na ako eh. BTW Tch. Ba't naman ako kakausapin ng isang 'to?
"Hi." Sabi nya sakin. Nakaharap na kasi ako sakanya.
"Bakit?"
"Can I talk to you?"
"Kinakausap mo na ako." Sabi ko ng naka poker face. Bakit totoo naman eh kinakausap nya naman talaga ako eh.
"Aish!" Sabi nya ng kumakamot ng batok.
"Ano ba yon?"
"Dominique." Sabi ng lalaking to na parang bang sinasabing iwan nya kami. Pls. Pls. Wag kang pumayag Nika.
"Ay taray kilala tayo friend oh. Stalker kita no! Sige pero dapat bigay mo sakin number mo ha?" Itong babaeng talagang 'to ibang klase ang mga style
"I'm not interested with you." Ay first time na may ng okray kay Nika ah.
"Edi okay. Che! Feel mo kina-gwapo mo? Hindi no!" Sabi ni Nika. First time kasi may mang- okray sakanya eh. Tapos ayun umalis na sya. Haha walk out pa more!
"So..." Sabi nitong lalaking 'to.
A/N:
CLIFFHANGER, tandaan nyo po ah. Pag ako po gumagawa laging SOBRANG IKLI at BITIN. At pasensya na po kung andaming typos
Abangan sa next chapter kung sino ba talaga kausap ni Zereena, at ano kaya sasabihin nito sakanya. Malay nyo mali kayo ng hula kung sino.
BINABASA MO ANG
Better Left Unsaid
RomancePano kung may simpleng sikreto sya. Kaso lang lumaki iyon. Papakinggan mo ba? Pano kung mas pinili nyang umalis Hahabulin mo bsya kasi baliw ka na sakanya? O, tatanggapin nalang ang nautuklsan mo sakanya.