Zereena's Pov1day passed
Kahapon hindi muna ako pumasok,lumabas. Medyo na trauma kasi ako. Nahuli na din ang mga lalaking yon. Sinuntok suntok ko muna sila bago sila makapasok sa bagong tahanan nila.
Si Dexter naman, laking pasalamat ko sakanya, kasi kung wala sya ano na nangyari sakin. Buti nalang talaga nandyan sya.
Ngayon naglalakad na naman ako papunta sa school, PERO may kasama ako. Edi si Dexter. Sabi kasi ni mama kung maglalakad ako papunta sa school kaylangan daw may kasama ako na lalaki. Medyo naging close naman kami kahit papano ni Dexter kaya sya nalang sinama ko.
Nandito na kami sa tapat ng school ng biglang nagsalita si Dexter. "May bibilhin lang ako, dyan lang oh *sabay turo sa tindahan* kung gusto mo pumasok kana." Tumango nalang ako bilang sagot.
Pero bago pa ako makapasok may nangagat ng palda ko. Oo may nangagat, aso. Kulay black sya tapos may necklace na may pangalan na Ace. Tinap ko lang yung ulo nya
"Ace!" Sabi nung lalaki sa malayo, tumatakbo sya papunta rito. Siguro sya may ari ng asong 'to.
"Ace." Sabi nya at kinarga yung aso. Ng naka deretso na yung lalake sa pagkakatayo, tinitigan ko sya. Hmm.... nakita ko na 'to. Nag flashback sakin yung nangyari.
"Wag ka nga maingay."
*KI--
Sya nga! "IKAW!" Sabi NAMIN.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sabay uli kami.
"ANO BA?!" Gaya-gaya 'to eh.
"TUMIGIL KA NGA!"
"TUMIGIL KA NGA!"
"HOY!"
"HOY!"
"TUMIGIL KA SABI EH!" Sa oras na to ako nalang nagsalita. Sya yun, hindi ako pwedeng magkamali, ang pinagkaiba lang ang pormal nya ngayon, naka long sleeve sya na white. Bwisit humanda sya sakin.
**
Xavier Pov
Sya nga 'to. Hindi ako maaring magkamali sya talaga 'to. Yung nangbugbug saakin. Yung hindi ko sinasadyang mahalikan. Ganito kasi talaga ang nangyari kaya nahalikan ko sya.
Flashback..
Pumunta ako ng school namin ni Fiona-- girlfriend ko. Nakipag break sya sakin. Dahil daw inuuna ko ang banda ko. Sa totoo lang hindi naman ako seryoso sakanya, gusto ko lang linisin ang pangalan ko sakanya. Nakita nya kasi ako may nahalikan na babae sa bar, hindi ko sinasadya. Lasing ako nun.
Nandito ako papunta sa CR ng may makasalubong akong babae. Umikot bigla yung paningin ko. Kumurap kurap ako para matigil yon. At tumigil nga pero pagharap ko sa katapat ko, si Fiona pala yung babae, lasing lang siguro ako, kaya sa tingin ko hindi si Fiona--
"Hi miss." Ewan ko ba kung bakit miss ang natawag ko sakanya, umiikot kasi paningin ko paiba-iba ang nakikita ko sa harapan ko eh. Si Fiona--tapos maya-maya ibang babae. Di ko maintindihan.
Nginitian lang ako ni Fi-- ah oo, si Fiona nga.Nginitian lang ako ni Fiona tsaka dumeretso sa Girl's CR. Galit nga sya sakin. Pero ba't nya ko nginitian? Gusto ko magusap kami kaya hinila ko sya sa may isang sulok.
"Hoy anong poblema mo?! Bitawan mo nga ako." Sabi nya. Di ako nagsalita. Tinitigan ko lang. Ang ganda talaga ni Fiona, kaso nahuli nya na ako eh. Lilinisin ko nalang talaga ang pangalan ko. Hindi ako yung tao na sumisiksik sa taong ayaw sakin.
BINABASA MO ANG
Better Left Unsaid
RomancePano kung may simpleng sikreto sya. Kaso lang lumaki iyon. Papakinggan mo ba? Pano kung mas pinili nyang umalis Hahabulin mo bsya kasi baliw ka na sakanya? O, tatanggapin nalang ang nautuklsan mo sakanya.