-13-

11 0 0
                                    

JOANNE’S POV

 

WHOOOO….

GO SFU…….

Nagsimula nang magsihiyawan ang buong paligid ng tawagin na ang kabilang kupunan.hindi ako tumungin sa Court para tignan ang paglabas nila. Nagpapakabusy ako sa paglalaro ng Flappy Bird sa phone ko at halos hindi ko na marinig ang tunog ng ibon kong tumatalon at nakakapuntos sa bawat pag iwas sa mga poste.

“boo… wala umuwi na kayo!” may pagtaas pa ng kanang kamay at kulang nalang ay ihagis sa court ang sapatos .hindi ko alam kay elreen kung ano ang ipinaglalaban niya, halos siya lang ang sumisigaw sa mga pinagsasabi niya.

Hindi naman ako mahilig manuod ng laro. Nahilig lang naman ako ng makilala ko si lance.

Tama, kay lance nga.

Yung bawat laro niya


pagtakbo sa buong gym..


yung pagpasa ng bola..


pag shoot sa ring.. …


at yung mga ngiti niya kapag nananalo sila sa laro..

lahat ng iyon nakita ko. Lahat ng iyon ay nakita nang dalawang mata ko.

Tuloy tuloy parin ang hiyawan at sigawan sa paligid na parang nakakatulong ang ingay na nagpagbalik ng lahat ng alaala ko sa kanya.

____

Naalala ko halos minu-minuto  kung ligawan at dalhan ako ng bulaklak ni lance. May pagkakwela si lance at may ugaling palabiro.napapangiti niya ako sa tuwing babanat siya at magpapatawa sa harapan ko at dahil sa ugali niyang iyon ay unti-unti akong nahuhulog sa kanya at hanggang sa dumating na nga yung sinagot ko na siya.nakita ko kung paano siya naging masaya sa araw na yun.

alam mo ba isa sa mga imposibleng pangarap ko ikaw ang tumupad? Kasi napasaakin narin ang taong pinakamamahal ko”.

Naging masaya kami sa isat- isa. Siya yung taong ipagmamayabang  pa sa iba na ikaw ang naging girlfriend niya. Hindi pa siya basketball player nung naging kami  at Duon ko narin napansin na mahilig siya sa larong basketball.
lagi niya akong isinasama kapag manunuod siya ng laro

alam mo ba joanne kapag  natupad ang pangarap ko maging isang basketball player at sumikat, isinusumpa ko sayo , kapag naka tungtong na ako sa court na yan ikaw ang unang hahanapin ng mga mata ko at unang kakawayan”. Lagi niyang sinasabi sa tuwing manunuod kami ng basketball game.

Nang malaman niyang may try out ng basketball sa campus agad siyang sumali at dahil sa pinakita niyang kakayahan at pagpupursigido ay agad siyang kinuha ng team.

Taga punas ng pawis, taga bigay ng inumin kapag nauuhaw siya- lahat ng iyon ginagawa ko sa kanya.

ang swerte ko talaga sayo joanne kaya mahal na mahal kita eh”. Banat niya sa tuwing magpapahinga siya sa tabi ko.
kahit busy na sa school at kakaparactice hindi siya nawawalan ng atensyon sa akin.
sabay kaming pumapasok sa eskwelahan at ihahatid hangang sa pag uwi.

tulog agad babe huwag kang magpupuyat, ilove you!” isang halik ang iniiwan sa akin sa noo ni lance sa tuwing inihahatid ako sa labas ng bahay namin.
bago matulog nagkakatext pa at sa umaga naman ay isang good morning ang makikita sa phone ko.

Naalala ko rin na ang court ng campus  ang tanging tagpuan naming pagkatapos ng klase.tanging boses lang naming ni lance ang maririnig na umi-echo pabalik sa aming dalawa.

i finally found my happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon