KILIG na kilig si Daphne nang imbitahan siya ng kakambal ni Jaxon na si Jayden na sumama rito sa Batangas para bisitahin ang fiancée nito. Kasama rin nila si Jaxon na mukhang wala pa rin na improvement ang nararamdaman sa kanya. Hindi pa niya ito nakikitang ngumingiti ngayong araw. Samantalang si Jayden naman ay parang masisira na ang bibig sa lawak ng ngiti. Mukhang excited na excited itong makita ang fiancée.
Jayden and Jaxon both looked so much alike. Identical twins kasi ang mga ito. Pero sa sandaling pagkakakilala niya sa dalawa, nakikita na niya ang difference. Mukhang masiyahin si Jayden. Palagi lang itong nakangiti. Pero si Doc Jaxon naman ay hindi. Well, at least sa kanya. Nabalitaan kasi niyang pareho lang rin daw ang ugali ng dalawang lalaki kaya mahirap i-distinguish. Iba lang talaga ang pinapakita sa kanya ng sinisinta niyang Doctor kaya nakikita tuloy niya ang pagkakaiba. Well, bukod pa sa kahit suplado sa kanya si Doc Jaxon ay nadi-distinguish naman ito ng puso niya. Iba ang pagtingin niya kay Jaxon at kay Jayden.
Parang kaibigan lang ang tingin ni Daphne kay Jayden. But a very good friend indeed. Mukhang boto rin naman ito sa kanya sa kapatid nito dahil sa pag-imbita sa kanya. Si Jaxon lang talaga ang problema niya.
"We're here!" wika ni Jayden nang itigil ang kotse. Bumaba kaagad ito at may nilapitan na babae. Sa sobrang excited nito ay nakipaglambingan na kaagad ito sa babae na sa tingin niya ay ang girlfriend nitong si Hailey. Nakalimutan yata nito na kasama sila nito. Pareho tuloy silang kakamot-kamot ng ulo na lumabas ng kotse ni Jaxon. Nang tumikhim rin si Jaxon ay saka lang sila napansin ng mga ito.
"Oh, I'm sorry!" Si Hailey ang naunang nakakibo. Nilapitan sila nito. Niyakap at nakipag-beso ito. "Hi, Daphne. I've heard so much about you. It was so nice finally meeting you,"
"Thank you. Sana mga good things ang narinig mo sa akin,"
"Of course! Masarap ka raw mag-bake. Turuan mo naman ako,"
"Thanks. I would love to. I-set natin 'yan,"
"Yes! Looking forward to that," Ngumiti si Hailey. She looks like a sweet and nice girl. No wonder kaya nagustuhan ito ni Jayden. Maganda rin ang babae.
Pero sweet at nice rin naman ako 'di ba? Maganda rin ako. Bakit hindi ako magustuhan ni Jaxon? Bigla tuloy napaisip si Daphne. Nakakababa pala ng self-esteem si Hailey. But then, hindi naman niya ito dapat sisihin. Baka talagang may kulang pa sa kanya---kagaya na lang ng ayaw niyang tanggapin na hindi lang talaga siya gusto ni Jaxon. Magkaiba rin ito sa kakambal nito. Hindi nito bet ang mga sweet at nice na babae.
But Daphne still has a few more days. Sabi nga sa isang kanta, there can be miracles when you believe.
Niyaya na sila ni Hailey sa loob ng bahay nito. Ilang oras na lang ay lunch time na kaya napagdesisyunan nilang apat na magluto. Dahil halos hindi sila magaling magluto lahat ay nag-settle na lang sila sa mga basic na pagkain---adobo, pritong talong at kanin. Nagdala sila ng toyo na puwedeng sawsawan ng talong. Sa ilog sa farm nila Hailey sila nag-lunch. Naligo rin sila doon. Mabuti na lang at naabisuhan siya ni Jayden na magdala ng extra na damit.
Habang nagtatampisaw sa ilog ay panay ang lambingan nina Jayden at Hailey. Hindi tuloy niya naiwasan na mapatigil at panoorin na lang ang mga ito. They looked so happy and in love. Naiinggit tuloy siya. Sana ay ganoon rin sila ni Jaxon...
Napatingin si Daphne kay Jaxon. Mukhang natigilan rin ito at nakatitig sa dalawa. Nilapitan niya ito at kinausap. "Nakakainggit sila 'no?"
"Hmmm... Not really. I just admire how happy is my twin now. And how much he changed..."
"We can also do it. We can happen..."
Tumingin ito sa kanya. Ngumiti ito pero kimi lang iyon. Napahalukipkip tuloy siya. Hindi ba ito naniniwala? Ah, kulang pa talaga ang effort niya.
Naglihis na ng tingin sa kanya si Jaxon. Pero kinuha ni Daphne ang pagkakataon na iyon para magbigay ng "effort". Tumingkayad siya at inilapit ang mukha sa mukha nito. Hinalikan niya ang labi nito.
Nanlaki ang mata ni Jaxon. "What was that?"
Ngiting-ngiti si Daphne. "Something magical,"
"You're crazy,"
"For you," Kinindatan pa niya ito.
"Masyado ka na mag-tsansing, ha. Hindi pa nga tayo---"
"Pa," Parang humangin ng pag-asa sa paligid ni Daphne. "So may chance?"
Napailing-iling si Jaxon. Tinalikuran na siya nito. Naiwan naman na ngiting-ngiti pa rin si Daphne. Sandali lang ang halik pero kinilig siya roon. It made her heart palpitate for a while. So it just means something...
Mukhang hindi na lang talaga gusto ni Daphne si Jaxon. Mukhang nahuhulog na rin ang loob niya rito.
BINABASA MO ANG
Jaxon, The In Denial Playboy
RomanceFor the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdulang niligawan niya si Doctor Jaxon Harris. Pero kahit playboy, walang effect ang charm ni Daphne sa l...