35

6.9K 152 4
                                    

NAKAPAGDESISYUNAN na si Daphne---ipagpapatuloy pa rin niya ang relasyon kay Jaxon. Masakit man dahil sandali pa lang sila ay na-challenge na pero inintindi na lang niya. Life is really about challenges naman talaga. Kailangan niya lang maging matatag at matutong magtiwala. Hindi naman ginusto ni Jaxon ang lahat ng iyon. Besides, it happened in the past. Nakaraan iyon ni Jaxon at kailangan niyang tanggapin iyon.

Sinuportahan ni Daphne ang boyfriend. Kaya naman nang magpa-check up si Misty---ang babaeng may chance na nabuntis ni Jaxon ay sumama siya. Hindi pa sana schedule na magpa-check up ng babae pero tumawag daw ito kay Jaxon at sinabing nagkaroon ito ng spotting kagabi. Palagi rin daw itong nakakaramdam ng pagod kahit na ba halos wala namang ginagawa.

Kahit hindi pa sigurado, pakiramdam ni Jaxon ay obligado itong panagutan pa rin si Misty. Kaibigan rin naman daw kasi nito ang babae. Ito pa nga raw ang dahilan para ma-realize ni Jaxon ang nararamdaman sa kanya. Inintindi na lang ni Daphne ang boyfriend. At least, he is responsible.

"Sigurado ka ba talaga? Kaya mo ba?" tanong ni Jaxon sa kanya nang makasakay siya sa kotse. Sinundo siya nito sa bahay.

Pinisil ni Daphne ang kamay ng boyfriend. "I'll be fine..."

Mukhang alinlangan pa rin si Jaxon. Pero naiintindihan naman niya ito. Ayaw lang siyang masaktan nito. Pagkatapos siya nitong sunduin ay pinuntahan nila si Misty. Nang makita siya nito ay panay ang sorry nito sa kanya.

"Don't worry about it," wika na lang niya rito.

Tahimik lang si Misty sa buong biyahe. It gave her the impression that she is really not bad. Hindi rin ito 'yung tipo ng babae na "maghahabol" kay Jaxon. Sadya lang sigurong pinaglaruan ng tadhana ang buhay nila.

Pagdating sa ospital at oras na ng check-up ni Misty ay naiwan si Daphne sa labas. Ang buntis at ama lang raw kasi ng bata ang puwedeng pumasok. She is also scheduled for an ultrasound. Medyo matagal rin na mag-isa si Daphne bago nakalabas ang dalawa.

"How was it?" tanong niya sa dalawa nang makalabas.

Huminga nang malalim si Jaxon. "Hindi okay. Napag-alaman na mahina ang kapit ng bata. Kailangan niyang uminom ng vitamins at ilang reseta pa na gamot. Pero kung maalagaan naman daw ay walang magiging problema."

"So you need to spend more time with her,"

Sumabat si Misty. "Hindi naman kailangan. I'm staying with a friend. Mabait siya at alam kong aalagaan niya ako."

Tumango lang si Daphne kay Misty. Tumingin siya sa hawak-hawak ni Jaxon. "Is that the sonogram?"

Tumango si Jaxon. Inabot nito sa kanya ang envelope. "Gusto mo bang makita?"

Pumayag si Daphne. Kung magpapatuloy na maging maganda ang relasyon nila ni Jaxon ay magiging anak na rin niya ang anak nito. Dapat lang na may pakialam rin siya.

Tinitigan ni Daphne ang sonogram. Parang may mabigat na kamay na humawak sa puso niya. Maliit at halos wala pang makitang itsura sa sonogram ay malaki naman ang epekto noon kay Daphne. Napaiyak siya.

Pero kung tanggap na nga ba talaga niya ang sitwasyon, bakit nasasaktan pa rin siya?

Jaxon, The In Denial PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon