HINDI pumasok sa trabaho si Daphne. Hindi niya kaya. Ang hirap magpanggap na okay lang siya kahit hindi. Feeling nga niya ay best actress na siya sa bahay nila dahil nakakangiti at nakakatawa pa siya sa harap ng magulang niya. Kapag rin nagtatanong ang mga ito tungkol sa kanila ni Jaxon ay sinasabi niyang okay lang rin.
Kahit ilang araw ng hindi.
Hindi kinakausap ni Daphne si Jaxon. Hindi niya kaya. Alam niyang kahit hindi naman nito ginusto ang nangyari at hindi rin naman siya nito gustong bitawan ay masakit pa rin sa kanya ang lahat. It will entirely change their life---forever. There will be a baby and it will be connected to Jaxon forever.
Ang tungkol sa pasabog na lang ni Jaxon ang palaging nasa isip ni Daphne. Ilang beses siyang nagkamali sa trabaho dahil hindi siya makapag-concentrate. Ilang beses rin siyang tinanong ng mga kasama kung may problema ba siya. As usual, nagpanggap siya na hindi. Kaya lang, natatakot siya na baka ngayong araw ay magkamali na naman siya. Ang alam pa naman niya ay pupunta ang Mommy niya sa branch kung saan siya assigned para kumustahin ang business. Ayaw niyang makita nito ang palpak niya at magtaka. Baka mapaamin siya at ngayon ay hindi niya pa kayang aminin sa magulang ang problema. Mag-aalala ang mga ito. Baka hindi rin maintindihan ng mga ito si Jaxon, lalo na kapag nakaabot sa Kuya niya ang balita. Ayaw niyang magkasakitan na naman.
Gulong-gulo si Daphne. Hindi siya makapagdesisyon. Ayaw rin naman niyang bitawan si Jaxon at ayon sa lalaki, hindi rin naman daw ito bibitaw. Hindi nito pananagutan ang ina ng magiging "anak" nito. Sa bata lang daw ito may responsibilidad.
Totoo naman iyon. Pero parang unfair rin. Lalaki ang bata sa hindi kasal na magulang. Magkakaroon ito ng sirang pamilya. At parang siya ang dahilan noon.
Kaya naman sa halip na magpaka-buro sa bahay dahil hindi rin naman pumasok ay naisip niya na lumabas. Baka mas makapag-isip siya ng tamang desisyon kapag lumabas. Nag-window shopping siya at nang mapagod ay nagpahinga sa coffee shop. Habang naghahanap ng upuan ay may lalaking umagaw ng atensyon niya---si Achilles. Nang makita siya nito ay tumayo ito at nilapitan siya. Kagaya niya ay mag-isa lang ito.
"What brings you here? May kasama ka ba?"
Naki-share na siya ng table rito. "No. I just want to unwind,"
"Unwind? Teka, akala ko may trabaho ka?"
"Hindi ako pumasok,"
Tinitigan siya nito. "May problema ba?"
Napatitig rin siya sa lalaki. Kaibigan ito ng Kuya niya. Kung ikukuwento niya rito ang nangyari, baka ikuwento rin nito sa Kuya niya. Pero kaibigan na rin naman niya si Achilles, 'di ba? Mapapagkatiwalaan niya ito.
Huminga nang malalim si Daphne. Sa huli, sinabi rin niya sa lalaki ang problema.
"His past is haunting him..." Napahawak si Achilles sa baba nito. "Pero 'di ba kapag mahal mo, tatanggapin mo rin pati ang nakaraan niya?"
"Naiintindihan ko naman iyon. It's just the baby that I'm worrying about..."
"Hindi pa naman siguro na sa kanya 'yun 'di ba?"
Tumango si Daphne. She knew she should not make it a very big deal. Hindi pa naman kasi sigurado kung si Jaxon ang totoong ama ng bata. Ayon sa boyfriend, may iba pang lalaki ang babae. Pero isa si Jaxon sa mga naka-talik nito sa panahong nabuntis ito. Ilang beses rin daw iyon at dahil kaibigan na rin ni Jaxon ang babae ay hindi na ito gumagamit ng proteksyon. He thought everything will be safe. Ilang taon na rin naman daw magkakilala kasi ang mga ito.
Pero may chance pa rin na si Jaxon ang nakabuntis. Nakaapekto iyon nang malaki sa relasyon nila.
"Pero paano kung sa kanya? Hindi naman daw niya pananagutan ang ina. Mahal pa rin niya ako. But I feel sad about the child. Magiging okay ba siya na walang kompletong pamilya?"
"We can't do anything about it. At ano ba sa tingin mo? Magiging mas masaya siya sa dalawang magulang na hindi nagmamahalan?"
Natahimik si Daphne. May point si Achilles.
"Mahal kita, Daphne. Kaya tinanggap kita. And love is also like that. It's patient, understanding and accepting. Pagdating ng panahon, magkaka-isip rin ang anak ni Jaxon. Mamahalin rin niya ang ama niya at maiintindihan at tatanggapin niya rin ang lahat..."
Tumango-tango si Daphne. Gumaan ang loob niya sa pagsasabi ng nararamdaman sa lalaki. Tama lang na nagtiwala siya. "Thank you. You're such a good friend,"
"I can be a good boyfriend, too." Nakangising wika nito.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Akala ko ba nagmu-move on ka na?"
"Yeah. But in times like this, I really wish I was the one your heart chooses. Ayaw ko pa rin na nakikitang nasasaktan ka."
Ngumiti si Daphne. "But what can we do? Nagmamahal tayo. At sabi mo nga, kapag nagmamahal, marunong dapat umintindi."
Tumango si Achilles. Somehow, Daphne really felt bad for him. Kung talagang natuturuan lang ang puso na magmahal, ito na nga ang pinili niya.
But love is really crazy. It is an adventure. May masaya at mayroon rin na paghihirap. At kagaya ng isang challenge, matitira lang talaga ang taong matibay.
BINABASA MO ANG
Jaxon, The In Denial Playboy
RomanceFor the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdulang niligawan niya si Doctor Jaxon Harris. Pero kahit playboy, walang effect ang charm ni Daphne sa l...