HALOS hindi makapag-concentrate si Daphne sa trabaho. Bukod kasi sa sakit sa puso, masakit rin ang ilong niya. Again, hindi na naman siya nasaktan lang ni Jaxon emotionally. Pati physical state niya ay naapektuhan rin. Dahil sa pagpapaulan niya kagabi, sinipon naman siya.
Daphne decided to ask for a half day leave. Napagbigyan naman siya. Pero bago pa man siya makaalis ng bakery ay sinalubong siya ni Achilles. Mukhang siya ang pakay nito.
"Bakit ka nandito?"
"I've heard you have colds,"
"Sinabi ba sa 'yo ni Kuya? Well, salamat sa concern. But don't worry, I was about to go home and rest..."
"I'll take you. Pero bago 'yun, kumain muna tayo. It's almost lunch time,"
Pumayag si Daphne. Gutom na nga rin siya at hindi niya nadala ang kotse sa trabaho dahil may sira. At least now, hindi na niya kailangang mag-commute.
Dinala siya ni Achilles sa mall. Doon na sila kumain. Pagkatapos noon ay sandaling nagyaya muna ito sa grocery. Namili ito ng oranges. Ibinigay nito iyon sa kanya.
"Bakit?"
"Para gumaling ka agad,"
"Hindi na apples?" Nang maospital siya ay mahigit limang apple yata siyang nakain in his insistence.
Umiling ito. "Kahit naman anong gawin ko, mukhang hindi ko na maalis sa buhay mo ang Doctor 'di ba?"
Natahimik si Daphne. Napatitig lang siya kay Achilles.
Hinaplos ni Achilles ang pisngi niya. "I also knew the reason why you had the cold. At tanggap ko na ang pagkatalo ko."
"He hurt me again..."
"Yet, you still love him. At sa tingin ko, kahit ano naman na gawin ko, hindi talaga ako mananalo sa puso mo..."
"Maybe not for now. Pero matutunan rin siguro kitang mahalin..."
"Iyon rin ang nasa isip ko noon. Pero na-realize ko na love is never learned. It should be felt. Whole-heartedly felt..."
Napayuko si Daphne. May punto si Achilles. Aminado na siya na mahal niya si Jaxon. Magpapakatanga ba naman siya nang ganoon kung hindi? It was a one-of-a-kind feeling for her to make a sacrifice like that. And love is always sacrifice. Hindi rin iyon dapat na pinipilit. Kusa iyon na nararamdaman.
"Mahal kita, Daphne. But love is like a game, too. You either win or you lose. Unfortunately for me, it's the latter."
"I'm really sorry about this, Achilles. Hindi ko rin ito gusto. Pero tama ka nga, mukhang hindi talaga napapag-aralan ang pagmamahal. I gave you a chance because I thought maybe I can change my mind. Sa inyong dalawa, mas masasabi na deserving ka kay Jaxon. But it wasn't what my heart says..."
Nakakaintinding tumango si Achilles. "It's okay. I understand. Pero puwede bang humingi ng favor?"
"Sure. Ano 'yun?"
"Can I be your good friend?"
Ngumiti si Daphne. Niyakap rin niya si Achilles. "You can be. Always..."
Sa napag-usapan, bahagyang nawala ang sakit na nararamdaman ni Daphne.
BINABASA MO ANG
Jaxon, The In Denial Playboy
RomanceFor the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdulang niligawan niya si Doctor Jaxon Harris. Pero kahit playboy, walang effect ang charm ni Daphne sa l...