25

7.8K 183 9
                                    

NANGHIHINA si Daphne nang imulat niya ang kanyang mga mata. Again, she woke up in an unfamiliar place. Bumangon ang pag-aalala sa puso niya, lalo na at hindi niya inaasahang tao ang bumungad sa kanya. It was Achilles. May pag-aalala sa mga mata nitong tinignan siya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Sinabi ni Daphne ang nararamdaman. Napahawak siya sa tiyan nang maramdamang kumirot iyon. Doon niya naalala ang nangyari sa kanya. Nanakit ang tiyan niya, nagsuka at nanghina nang makakain ng niluto ni Doc Jaxon.

"Na-food poison ba ako?"

"May red tide ang tahong na kinain mo according sa test," Huminga nang malalim si Achilles. "Buti na lang at nadala ka kaagad sa ospital. Nawalan ka ng malay. This can be fatal,"

"Oh..." Nalungkot si Daphne. "Pero okay na naman ako ngayon..."

"You made me worried,"

"I'm sorry for that. But thanks for being here,"

"You're always welcome, lalo na at hindi raw makakapunta kaagad rito ang parents mo dahil out of town. Nandito kanina ang Kuya Dwight mo pero sandaling umalis. He'll be back here soon," Tumingin si Achilles sa beside table. May mga pagkain roon. "For now, mas makakabuting kumain ka muna kung kaya mo na. Malapit ng dumilim,"

Tumango si Daphne. Inasikaso siya ni Achilles. Kaunti lang ang nakain niya dahil pakiramdam niya ay masusuka ulit siya. Pinayagan siya ng lalaki, pero sa isang kondisyon: Kailangan daw niyang kumain ng apple. Napansin niyang marami ngang apple sa kuwarto.

Pumayag si Daphne. Habang nagbabalat ng apple si Achilles ay ngiting-ngiti ito. Ganoon rin ng subuan siya nito. "What's with the smile?"

"An apple a day keeps the Doctor's away,"

"Hmmm... Do you mean Jaxon?"

Tumango ito. "Mas lalo lang akong naiinis sa kanya. Alam na niya ang nangyari. At sinisisi niya ang sarili niya,"

"I'm sure, hindi naman niya ginusto iyon..."

"'Wag mo na siyang ipagtanggol. Sa dami ng sakit na binigay niya sa 'yo, paano mo pa nagagawa 'yun?"

"Bumabawi naman siya..."

"Simula nang makilala mo siya, lagi ka ng nagkakasakit. O kaya ay naoospital. Nagiging habulin ka na ng aksidente,"

"Hindi ba at minsan rin naman akong naaksidente nang kasama kita?"

Sandaling natigilan si Achilles. Tumiim ang bagang nito. "P-pero hindi ko naman iyon ginusto..."

"And so Jaxon," Huminga nang malalim si Daphne. "Let's burry the hatchet. Walang may gusto ng lahat ng sakit at aksidente na nangyari sa akin sa mga nakalipas na linggo at buwan,"

"Yes. Maybe. But if he really cares for you, nasaan na siya ngayon?"

"H-hindi ba siya bumisita?"

"Once. Nang mag-rounds siya," Umiling-iling si Achilles. "You were rushed in the hospital where he is having his residency. And funny how he can't even take care of you, lalo na at off-duty na naman siya ngayon."

Natahimik si Daphne. May point si Achilles. Kung pinapahalagahan talaga siya ni Jaxon, hindi ba dapat ay ito ang una niyang nabungaran nang maggising siya? Alam niyang hindi rin naman inaabot ng gabi ang trabaho nito sa ospital. He could have been there.

Baka naman nag-overtime. O kaya may importanteng gagawin.

Pero hanggang sa dalawin ulit ng antok si Daphne, walang Jaxon na dumating. Kahit text o tawag ay wala siyang natanggap mula rito.

Napatanong rin tuloy si Daphne sa sarili kung importante nga ba talaga siya sa Doctor...

Jaxon, The In Denial PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon