NAKATANGGAP ng tawag si Daphne mula kay Jayden. Nasa hindi raw magandang estate ang kapatid nito. Pinakiusapan siya nitong kausapin ang kakambal dahil hindi raw ito pinapakinggan ng lalaki. Dahil nag-aalala rin siya sa lalaki kaya pumayag siya. Isang linggo na itong hindi nagpapakita sa kanya. Hindi ito sumipot sa Sunday date nila. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag at text niya. It felt like he simply disappeared in her life. At kung hindi pa nga dahil kay Jayden, baka akalain niya na mawawalan na talaga sila ng contact sa isa't isa.
T-in-ext lang ni Jayden sa kanya ang address ng lugar kung nasaan ang kakambal. Hindi niya alam kung saan iyon kaya minabuti na lang niya na magtaxi papunta sa lugar.
Pero nag-alala naman si Daphne sa sarili nang ma-realize kung anong lugar ang pinuntahan ni Jaxon. It was a bar. Mausok at maingay roon. Hindi pa siya nakakapasok sa bar sa buong buhay niya kaya halos mangapa siya. Matagal-tagal rin bago niya nahanap si Jaxon. At halos pagsisihan niya nang pumayag siya sa hiling ng kakambal nito.
Parang may tumusok sa puso ni Daphne nang makitang nasa kamay na naman ng ibang babae si Jaxon. At ang masakit—ini-entertain rin ni Jaxon ang babae. Ibig sabihin lang noon, gusto rin nito ang atensyon. He will really always be a playboy. Bakit nga ba siya umasa na magbabago ito?
Dahil mahal mo siya... bulong ng puso ni Daphne. Napapikit siya. Dapat ba talaga siyang magmahal ng lalaking lagi na lang siyang sinasaktan? Pero dahil mahal nga niya si Jaxon, gusto niyang magtiwala rito. Sinabi na nito na gusto siya nito. Ramdam niyang seryoso naman ito. Kaya sigurado siyang may magandang dahilan kung bakit nagagawa nitong makipaglandian ngayon.
"Puwede ko ba siyang mahiram sandali?" Kalmado na si Daphne nang lapitan niya si Jaxon. He looked so surprise. Namutla rin ito.
"W-what brings you here? Paano mo nalaman na nandito ako?"
Inamin ni Daphne ang pakiusap ng kakambal nito. "Mag-usap muna tayo..."
"I don't think may dapat pa tayong pag-usapan..."
Natulala si Daphne. "W-wala lang ba talaga ako para sa 'yo?"
Hindi sumagot si Jaxon. Kinulit naman ito ng kasama nitong babae kaya parang nawala na rin ang atensyon sa kanya.
Maraming tanong sa isip ni Daphne. Kung wala lang talaga siya kay Jaxon, bakit hinabol pa siya nito? Bakit nakipagkompetensya pa ito kay Achilles?
Pero bakit pa nga ba siya magtatanong? Hindi pa ba sapat ang sakit na nararamdaman niya?
Lumabas na si Daphne ng bar. Nahihirapan na nga siya, nagmumukha pa siyang tanga. At mukhang nakikisama pa sa paghihirap niya ang panahon. Biglang umulan sa labas. Walang matinong waiting area ang bar kaya naman may dalawang pagpipilian lang si Daphne---ang pumasok ulit sa bar o kaya tumawid. May waiting shade sa harap ng bar. Iyon lang rin ang possible niya na masilungan sa lugar. May kalayuan nga lang iyon pero mas okay na kaysa sa bumalik pa siya sa impyerno---ang tanawin na makita si Jaxon na binabalewala siya dahil sa ibang babae.
Pinili ni Daphne na tumawid. Bibilisan na lang niya ang paglalakad para hindi umuwing basang sisiw. Nakakaawa na nga ang puso niya, nakakaawa pa siya physically. Napaiyak na siya sa sakit. Kaya lang, hobby nga yata ni Jaxon ang kawawain siya at saktan. Sinundan siya nito.
"Daphne, wait!" Hinabol siya ni Jaxon sa ulanan.
Tanga pa rin si Daphne kaya tumigil siya. Hindi nga lang siya lumingon. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jaxon. "I'm sorry..."
Doon na lang hinarap ni Daphne si Jaxon. Pinahid niya ang luha na patuloy pa rin na umaagos. Parang sinasabayan noon ang malakas na buhos ng ulan. "O-okay na ba tayo?"
Huminga nang malalim si Jaxon. "M-mas mabuting tumawid na muna tayo,"
"No. Gusto kong sagutin mo ako. Gusto mo pa rin ba ako? Makakaya mo ba talaga akong mahalin? Magbabago ka ba para sa akin?"
"Daphne, we can't be together..."
"So wala ka ng dahilan para habulin ako. Pinaasa mo na naman ako!"
"Gusto ko lang naman sabihin na hindi ko ginusto ang panlalamig ko sa 'yo. But I realized that I'm not the man you deserve,"
"Hindi naman iyon ang nararamdaman ko. Pero ewan ko kung bakit ganoon sa 'yo..."
Yumuko si Jaxon. Mukhang nahihiya ito. Pero maya-maya ay hinawakan nito ang kamay niya at inakay siya para makatawid. Dinala siya nito sa may waiting shade. Pinaupo rin siya nito roon. Pero parang balewala lang naman na rin iyon dahil biglang tumigil na rin ang ulan. Hindi na niya kailangan ng masisilungan.
At mukhang hindi na rin talaga siya kailangan ni Jaxon sa buhay niya.
"I just wish you all the best, Daphne..." wika nito Jaxon at hinalikan ang ulo niya. Pagkatapos ay tumalikod na ito sa kanya at naglakad pabalik sa bar.
Napahikbi na lang si Daphne. Wala nga lang yata talaga siya sa lalaki...
BINABASA MO ANG
Jaxon, The In Denial Playboy
Roman d'amourFor the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdulang niligawan niya si Doctor Jaxon Harris. Pero kahit playboy, walang effect ang charm ni Daphne sa l...