MABIGAT ang loob ni Jaxon nang lumabas ng kuwarto ni Daphne. Pinatulog niya ito. Hindi siya umalis hanggang sa hindi siya sigurado na payapa na ang girlfriend. Pero alam niyang kahit tulog na ay hindi pa rin ito lubos na payapa. Kapag naalala na naman nito ang sitwasyon bukas, siguradong iiyak na naman ito. Mahihirapan na naman.
At lahat na naman ng iyon ay dahil kay Jaxon.
Halo-halo ang emosyon ni Jaxon. Dapat ay proud siya na puwedeng maging ama na siya in a few months. Pero mas nangingibabaw ang lungkot. Hindi naman sa ayaw niya sa bata. Wala naman itong kasalanan. Pero dahil dito ay naging komplikado ang maayos na sana na buhay niya.
Alam naman ni Jaxon na hindi siya dapat ganoong mabahala. Sigurado man na buntis si Misty ay hindi naman sigurado na siya ang ama ng dinadala nito. Kaya nga lang, siya lang ang may contact pa kay Misty sa mga lalaking nakagalaw rito sa mga panahong nabuntis ito kaya siya lang ang nalapitan nito. Hindi pa sila nakakapagpa-schedule ng paternity test.
Ganoon pa man, may bahagi rin ni Jaxon na parang ayaw gawin iyon. Paano na ang bata kapag nalaman na hindi siya ang totoong ama? Naawa siya kay Misty. She will be alone in life. At wala rin na kikilalanin na ama ang anak nito. Kahit hindi naman ganoon kalaki rin ang pinagsamahan nila ni Misty, tinuturing pa rin niya na kaibigan ito. Isa pa, the thought of him being a father makes him excited. Nagbabago na yata siya. Mas nagiging responsible na siya pagdating sa kanyang mga personal matters in life.
Pero alam ni Jaxon na malaki ang epekto ng "anak" kay Daphne. Kahit sinabi nito noong una na okay ito at susuportahan siya, hindi naman niya masisisi na umiiyak pa rin ito. Hindi madali ang lahat para dito. Sandali pa lang ang relasyon nila ay nasubok na sila. Umaasa nga lang siya na sana ay sandali lang ito. Sa pagdaan ng panahon ay lubos na matatanggap rin nito ang lahat.
Nasasaktan si Jaxon na makitang nasasaktan at lubos na apektado si Daphne. Pero ayaw naman niya itong bitawan. Hindi man nito deserve ang sakit at komplikasyon na nangyari sa buhay niya ay hindi rin niya kayang malayo rito. Isa pa, hindi dapat siya ang nagdedesisyon. Ayaw na niyang umulit sa dati. Susubukan niyang labanan ang mga insecurities niya.
Bago lumabas ng bahay ay nagpaalam si Jaxon sa mga kasambahay. Ibinilin niya na tignan-tignan ng mga ito si Daphne. Ito lang ang kasama ng babae sa bahay. Out-of-town na naman kasi ang magulang ni Daphne na hindi niya ba masasabi kung good or bad thing. Alam niya na wala pang alam ang mga ito sa sitwasyon niya. At natatakot rin siya aminin dahil baka hindi maintindihan ng mga ito at kumalat pa. Pero mahirap din naman na wala ito dahil walang kasama si Daphne na malapit rito. Hindi naman siya puwedeng matulog sa bahay ng mga ito. Bukod sa hindi magandang tignan, hinahanap na rin siya ng magulang niya.
Pero bago pa man makauwi si Jaxon ng bahay ay nakatanggap na naman siya ng tawag. Nang makitang si Misty ang tumatawag ay itinigil niya ang sasakyan. Napapikit at napabuntong-hininga rin siya. Naalala niya pa rin ang araw na tinawagan siya nito para sabihin ang lagay nito. It was almost the same scenario---galing siya sa bahay nina Daphne at nagda-drive na rin pauwi. Late na rin iyon. Na-trauma na yata siya kaya hindi niya agad masagot ang tawag.
Pero mabuti na lang at itinigil ni Jaxon ang sasakyan bago sinagot ang tawag. Dahil kung hindi, baka maaksidente pa siya sobrang pasabog ni Misty na hindi niya ba alam kung dapat niyang ikatuwa o ipagluksa...
BINABASA MO ANG
Jaxon, The In Denial Playboy
RomanceFor the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdulang niligawan niya si Doctor Jaxon Harris. Pero kahit playboy, walang effect ang charm ni Daphne sa l...