Sana All | Meanie

28 1 0
                                    


"...So ayun na nga Wonuuu. Sabi ni Mingyu dito daw kami magkita."

Tahimik lang na nakikinig si Wonwoo sayo habang nagbabasa ng libro tungkol sa mga hayop. Pinatawag ka kasi ni Mingyu habang nagkaklase pa kayo kanina para sa last period niyo kaya nang matapos na yung klase ay dumeretso ka agad dito sa Library. 

Sakto naman nakita mo ang kababata at bestfriend mong si Wonwoo dito sa Library (his den) kaya naman napashare ka agad. Sa totoo lang kase, you have a tiny little crush on Mingyu, at kinikilig ka kase magkikita kayo kaya kailangan mo lang talaga ipalabas sa iyong sistema through telling Wonwoo.

"Bakit daw kayo magkikita? Ba't dito pa, pwede naman sa iba?" finally, after 30 minutes mong pagsasalita mag-isa, Wonwoo decided to speak.

Napakibit ka naman ng balikat. "Aba malay. Magpapaturo siguro ng assignment sa Chemistry."

Wonwoo glanced at you and back to his book and spoke. "Sana All."

"Anong Sana All eh ang talino mo na sa Chem, especially Physics. In fact ang talino mo na sa lahat. You don't need me," sabi mo. "Ewan ko nga kung bakit sakin pa nag-papaturo yung tropa mo ang di naman talaga ako magaling dun." sumandal ka naman sa kinauupuan mo with crossed-arms.

"Sus, Gustong-gusto mo naman." he looked at you. Namula ka naman. 

First, kase totoo yung sinasabi ni Wonwoo na gusto mo rin yung tutor sessions niyo ni Mingyu. Second, Ang hot kase ng tingin Wonwoo sayo. Childhood crush mo kase si Wonwoo, and crush mo din naman siya ngayon kaya lang nirerepress mo kase, bestfriend kayo. Di ka naman nagreact at nanahimik nalang, baka mahalata eh.

"Sana All." tanaging sabi ni Wonwoo at bumalik sa pagbabasa. 

Napairap ka nalang sa kaka-sana all ng bestfriend mo nang nakita mo yung classroom sweetheart niyo sa room. Dahil dun nakaisip ka ng bagong topic para gambalain ang boring atmosphere na ineemit ng bestfriend mo ngayon.

"Oy, Wonuu. May partner ka na ba sa Prom?" tanong mo.

Napatigil naman si Wonwoo sa pagturn ng page at tinignan ka. "Actually..." 

Di natapos ang sasabihin ni Wonwoo nang dumating si Mingyu na ang lapad ng ngiti.

"Kayeee! Sorry natagalan ako," pagsosorry niya sabay lapag ng isang bag ng take-out order ng Jolibee sa harap mo. "Ang tagal kase ng pila sa Jolibee." dagdag niya at umupo sa tabi mo.

"Char. May pa Jolibee." saad mo, sinisilip ang loob ng bag.

"Sana All," react ni Wonwoo without looking sa inyong dalawa ni Mingyu.

"Ay, Nandito ka pala Wonuu! Sayang di kita nabilhan." Sabi ni Mingyu nang napansin niya ang tropa niyang si Wonwoo meanwhile, di siya pinansin ni Wonwoo. Attitude ka siszt?

Di mo nalang din pinansin si Wonwoo kase mukhang wala siya sa mood. Sinarado mo yung bag ng take-out at tinignan si Mingyu. "Naku Mingyu, I know you. Di mo ako bibilhan ng something kung wala kang pabor na hihingin sakin." Sabi mo na rason para mawala yung ngisi niya.

Mingyu let out a nervous chuckle. "Ano kase..." napakamot ng batok si Mingyu habang nag-aantay ng sasabihin niya. 

Wonwoo on the other hand, lowkey na nakikinig sa likod ng librong hawak niya. Kung tutuusin di na siya makaconcentrate sa binabasa niya about snakes.

"Sabi ko na eh! Ano yun?"

Nag-inhale sa Mingyu, then he gazed at you directly in the eyes. Hala, What is he playing at? Wag naman sana siyang gumanyan kasi kinikilig ka na. But what he said after that was enough para isipin mo kung buhay ka ba talaga or charot-charot ka nalang sa world.

Random Seventeen StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon