Crush | BooSeokSoon

13 0 0
                                    


Nandito kayo sa 'Just do it pub' para sa isang session ng tagay after ng finals niyo. Pinilit ka ng mga kaklase mo na uminom, kaya wala ka nang nagawa since kelangan din ng sober friend ng mga dorm neighbors\classmates\ friends mong sina Seungkwan, Hoshi at Dokyeom.

Naisipan ng mga kaklase mo na mag-spin the bottle kayo. Naka-ilang ikot na nga yung bote at yung iba mong kaklase na pumipili ng truth eh wasted na. Kase pag pinili mo dare, dalawang shot, pero pag pinili mo truth, mag shashat ka ng isang beses at the same time sasabihin mo yung 'truth'. 

Tawang-tawa ka nga eh, kase yung Tres-Marias (namely BSS) niyo sa classroom (Tinawag silang tres-marias kase tatlo silang always tres ang GWA) eh kase mukhang may sayad na sa mga dare niyo kase ayaw nila mag sabi ng truth. May tinatago ata. Hmmmm. Teaaaaa.


"Oy, mag truth naman kayo." pangungulit ng isa niyong kaklase na tipsy na.


"Ba't ka ba namimilit?" Pagtataray ni Seungkwan sa kaklase mo, sabay inom ng shot na binigay mo as gunner niyo. 


Naging Gunner ka nalang kase di wala ka namang planong maglasing.


"Oo ngaaa! Mabubunyag niyo ang sekreto ko!" tumango-tango si Dokyeom, halatang lasing na.


Hoshi glared at Dokyeom. "May tinatago ka samin ni Seungkwan?!"


Binigyan mo ng shot glass si Dokyeom na agad niyang ininom.


"Wala! Ishpin niyo na nga yung, yung bottle! Gusto kong ma dare!"


"Di puwedeh! Dapat Troth na man!" Sigaw ni Hoshi na namumula na sa kalasingan, pero binigyan mo parin ng isang shot glass. Hoshi smiled at you sweetly bago niya ininom. Ginulo mo naman ang buhok niya kase nakukyutan ka.


"Hoy! Ano yang nakikita koooh!" Tumayo si Seungkwan sa kinauupuan niya at tinuro ka niya, with a very OA expression kaya natawa ka nanaman.


"Sit down, Seungkwan." pakiusap mo.


"You Don't engrish me! Why you gulo-gulo hair of Hoshi?"

Tumingin naman si Dokyeom at tumayo rin sa kinauupuan niya. "Bakit si Hoshi lang!"

Naweweirduhan ka naman sa mga kaibigan mo, pero pinilit mo nalang silang maupo pero nagmatigas ang dalawa at patuloy na nagingay.


"Gusto ko ako rin! Guluhin mo rin buhok ko." Dokyeom smiled tapos lumapit sayo na parang tuta. Natawa ka naman. Ano ng problema ng mga ito? KSP kung malasing. Ginawa mo nalang ang gusto niya para walang gulo.


"Oh my ghash! I want that toooh!" tumakbo si Seungkwan sa harap mo at ngumiti. Ginulo mo nalang din ang buhok niya.


"O, bumalik na kayo sa kinuupuan niyo." sabi nung isa mong kaklase. Bumalik na sa dating mga pwesto nila si Hoshi at Seungkwan nang nag spin the bottle. Meanwhile, si Dokyeom nakatitig lang sayo habang nakangiti. Naweirduhan ka naman.

You patted his shoulders. "Dk, Okey ka lang?"

He nodded. "Alam mo, sa t'wing nakikita kita, gusto ko kumanta ng masasayang awitin." Natawa ka naman. Ang lalim nun ah. 

Random Seventeen StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon