Nunchaku | The8

14 1 0
                                    


Di mo alam kung tatalon ka ba sa tuwa or malulungkot. Una sa lahat, gusto mong umiyak kase nabali yung right leg mo kase natamaan ka ng nunchaku ni Minghao pero at the same time, gusto mong tumalon sa kilig kasi buhat ka niya papunta sa Infirmary.

"Okey ka lang?" tanong niya sayo habang karga ka bridal style.

Maluhu-luha ka naman na sumagot. "Okey lang, Karga mo ako eh." ngumisi ka sabay punas ng namumuong luha sa mata mo.


"Ikaw naman kase ba't ka nandoon? Kita mo na nag papractice ako," he exhaled. "sabi ko naman kase sayo lumayo ka sakin." 


Pumunta ka kase sa area kung saan nag papractice si Minghao para mag iwan lang sana ng mineral water. Yun lang sana, nothing else, pero nung aalis ka na, biglang naslide yung nunchaku sa kamay ni Minghao at tumama sa right leg mo yung bagay.

"Sabi ko nga rin di ba sayo, di kita tatantanan hanggang di mo ako magustuhan." sabi mo. Halos isang buwan na kase simula nung umamin ka kay Minghao na gusto mo siya.


"I'm Sorry. I don't like you." yan yung sagot niya sayo nung umamin ka. Siyempre nasaktan ka nun pero di ka parin tumigil at gumagawa ka ng paraan para mapalapit kayo ni Minghao. Gusto-gusto mo kase siya kaya umabot ka na sa point na parang ikaw na ang nanliligaw. 


Di naman siya pumayag pero makulit ka kase. Matigas ulo mo. Kahit paulit ulit ka nang nirereject, kahit paulit-ulit nang nabasag yang puso mo sa rejections niya sayo, kahit nga nabali na buto mo Minghao parin ang bukam-bibig mo.


"Seryoso ka ba? Sinasaktan mo lang sarili mo."


"Sanay na ako." sabi mo sabay tawa. "Ewan ko kase sayo Ba't sayo pa ako nagkagusto, eh ang savage mo sakin."


"Ewan ko, may saltik ka siguro sa utak." sabi niya, mga mata sa nilalakaran niyo.


You chuckled. "Siguro nga. Sorry ha."


Tumingin siya sayo. "Para sa?"


"Pageepal ko sa buhay mo. Sorry kase pabigat ako ngayon. Sorry kase kinukulit kita na magustuhan mo rin ako. Sorry kung sobrang gusto kita." ngumiti ka, but your eyes starts to water. Narealize mo lang kase na di ka na talaga magugustuhan ni Minghao kahit anong pilit mo. Mas mabuti na sigurong tumingil ka nalang sa kahibangan mo. "It all takes na mabali buto ko to realize this. Sorry."


Minghao was silent. Patuloy lang siya sa paglalakad. "Minghao, pwede mo naman akong iwan dito. Ako nalang pupunta ng clinic mag-isa. Kasalanan ko naman din, atsaka ayoko na mahira--"


"Di kita tatantanan hanggang di kita mahahatid sa Infirmary." there was unusual softness sa boses niya pagkasabi niya nun. Pagod na ba siya?


"Eh, wag na! Mapapagod ka lang."


"Di ka nga napagod kakahabol sakin. Ang lapit lang ng infirmary." sabi niya without looking at you. Ang lapit lang daw ng infirmary, e sa kabilang wing pa yun eh!


"Sa kabilang wi--"


"Di ba dapat ineenjoy mo yung moment na karga kita? Ba't andami mong sinasabi?" sabi niya, pero this time nakatingin na siya sayo. Nailang ka naman bigla.


"Di ka galit?"


"Hindi."


"Sigurado ka?"


Biglang ngumiti si Minghao pero pinilit niyang itago sayo. "Ano ba, ang kulet. Hindi nga eh."


"Weh?"


Minghao glared at you, nagpipigil parin ng tawa. "Oo nga. Wag ka ngang tumingin ng ganyan saken, natatawa ako sa mukha mo."


Natawa ka naman. "Yeey! Natapatawa ko si Minghao. Sabi ko na ako kaligayahan mo eh!"


"Wag kang feeling."


Tatawanan mo sana yung reaction niya nang kumirot yung paa mo kaya mas nahigpit ang pagkakahawak mo kay Minghao. 


"Okey ka lang?" concern niyang tanong na di mo inexpect.

"Masakit." Yung lang nasabi mo kase masakit talaga.


"Shet, Namumutla ka na." Narinig mong sabi ni Minghao. Naramdaman mo naman na napabilis ang paglakad niya. Di mo na napansin na umiiyak ka na pala sa sakit. Rinig na rinig ka naman ni Minghao 'cause you are leaning on his shoulders. 


"Shhhh, wag ka nga umiyak. Papangit ka niyan. Pano kita magugustuhan?"

"Kahit naman gumanda pa ako di mo naman ako magugustuhan."


"Sinong may sabi?"


"Di mo nga ako type ngayon eh."


"Sinong may sabi?"


"Ikaw. Duh."


"Dati yun."


Malapit na kayo sa infirmary kaya nagmadali nang maglakad si Minghao.


"Gusto mo na ako ngayon?" wala sa sarili mong tanong.


Nakarating na kayo sa infirmary sa wakas at agad kayong sinalubong ng nurse na nag-aalala nang makita ang kalagayan mo. Dahan-dahan ka naman nilapag ni Minghao sa higaan. Minghao stared at you then gave you a smile. 


"Magpagaling ka muna, then I'll answer you." ginulo niya naman ang buhok mo tapos ay nilapitan ka na ng nurse. Minghao decided to stay dun sa sofa malapit sa bed mo. He waved his hand nang nakita ka niyang hinahanap mo siya. Then he mouthed, "Dito lang ako."

In that moment, di mo maexpress ang pasasalamat mo sa diyos ng mga nunchaku. Napangiti ka nalang sa sarili mo. Magpapagaling ka talaga para naman masagot ni Minghao yung tanong mo. Malay mo, gusto ka rin pala. Pabebe lang siya.


-----

Naiimagine ko talaga si Minghao ng  ginagawa ko to. kenekeleg ako. HAHAHAHHA

-Mariaaaaa

Random Seventeen StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon