The Cool Guy | Jun

15 1 15
                                    


Naiirita ka na. Bakit? May kaklase ka kaseng grabe ang confidence. When you say confidence, it is spelled as J-U-N. Jun. Wen Jun Hui. Napakayabang niya. Feeling niya siya ang pinakagwapo sa balat ng lupa. Walang araw na ipagmamalandakan niya mundo kung gano siya ka gwapo or cool. Kung makapaglakad naman siya sa corridors or sa hall kala mo kanya yung school.

Tuwang-tuwa ang kuya niyo everytime na nakikita niyang pinagkakaguluhan siya.okey lang naman kase talaga kung ganyan siya pero naglilinis siya everytime kung cleaners na, Magkasama pa naman kayo sa cleaners but everytime nalang wala siya. Bakit? Ayaw niya madumihan damit niya. Ayaw niyang madumihan sapatos niya. Dapat perfect siya sa mata ng madla. Siyempre sinong tao ang di iinit ulo dun. Ikaw na nga always naglilinis.

Di lang ito yung rason ba't ka naiinis sa kanya. The other reason was the fact na pinamumukha niya sayo araw-raw na Pangit ka. Wala naman kase siya talagang pakielam pero nakakainis lang talaga yung ipamukha niya yung sayo araw araw.

One time, nagsasalamin ka sa mirror ng dance hall (kasi nag tatali ka ng buhok) kasi P.E. niyo tapos lumapit siya ay inakbayan ka wearing a smirk on his face.

"'nung ginagawa mo?"

"Pinagmamasdan ko sarili ko at kung gaano ko kagwapo," He confidently said, sabay ayos ng buhok niya at smile sa sarili niyang reflection. "Ano na Belle. Galaw-galaw naman diyan."

One time rin, intrams niyo at kayo yung itinanghal na over-all champion. Siyempre tuwang-tuwa kayo. Yung iba niyong kaklase nag lumpasay na sa sahig. Yung iba nag tatatalon, yung iba sumisigaw. Pero siya, inayos yung shirt na at pumalakpak. THREE TIMES tapos umupo. Aba di ata siya proud sa achievements especiall hardwork ng klase niyo. At dun mo na realize na you don't like him. Masyadong papresko sa panlasa mo. Not that you wanna eat him though.xd

Naglalakad ka pauwi nang makita mo siya sa gilid ng kalsada, nakaupo. Nakayuko siya. Ang ulo niya ay nakapatong sa mga braso niyang yakap ang mga tuhod niya. Anong ginagawa niya dun? Mukha naman siyang batang kalye.

Pinili mo siyang dedmahin at nag patuloy sa paglalakad. Mukhang napansin ka niya at bigla kang tinawag. "Huy Belle!"

"Wag mo akong hino-hoy." malamig mong sabi at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman mong gumalaw siya, probably tumayo siya dahil hinabol ka niya. He grabbed your arms.

"Sandali lang naman." He said. Lumingon ka naman at tinitigan siya.

"1 minute." Gipit mong sabi. Arms-crossed over your chest

"Tulungan mo ko, Please."

Napataas naman ang kilay mo. Aba, akalain mo yun. Nangangailangan ng tulog si Mr. Cool Guy. "Wow. Mr. Cool Guy needs help," You said. "Himala."

Dinedma niya mga sinabi mo at nag patuloy. "Nawawala ako. Iniwan ako ni Minghao."

Nagpigil ka ng tawa. Well done Minghao. Minghao was his closest friend and leaving Jun here is such a mood. "You must've pissed Minghao kaya ka niya niligaw," You give him a grin. "Kawawa ka naman, kaya mo na yan. You're too cool for my help. Bye!" you patted his head and about to leave him alone kaya lang binigyan ka niya ng nakakaawa na look na di mo inekspect na gagawin niya. Mukha siyang batang nahulugan ng ice cream at nanghihingi ng bago.

"What's with that look? That ain't cool."

He pouted. Luh. Ba't ang cute niya sa mga mata mo ngayon? "Okey lang. Tulungan mo lang ako." He continued to stare at with puppy eyes at parang may powers yung trick na yun at pumayag ka. What the Hell Jun?

Random Seventeen StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon