[ s i y a n a l a n g ]

316 9 2
                                    

if you think you've already read this, calm down, 'cause I'm the only person who made this poem. though I made some changes (the last two lines) versus the original one. hehe



Siya Nalang

Mahal ko, iyong dinggin;
May tayo pa nga bang tatawagin
Kung sa simula'y siya pa rin
Ang hanap ng puso mong akala ko'y akin?

Totoo, ako'y iyong pagmamay-ari
Kasama mo sa tuwa't pighati
Ngunit iba ang kinang ng iyong mga mata
Lalo na kapag siya ang iyong kasama

Masisisi mo ba ako, mahal ko?
Kung pinili na ng puso kong sumuko?
Sa labis na sakit na dulot mo?
At sa pag-asang mamahalin mo pa ako?

Pasensiya na, wala ng tayo
Hindi na sayo ang durog kong puso
Doon ka na lamang sa kaniya
Siguradong mas sasaya ka

-Pam

Life, as it isWhere stories live. Discover now