pitong akominsan,
ako'y naging ginoo -
magalang at matipuno,
para sa mga mata mong sa aki'y bumihag.ako ri'y naging mangingisda,
para sana'y mahuli -
ang puso mong tago at puro,
ngunit mapanghusga.pinilit kong maging atleta,
umaasang sana'y maakit kita
kapag ako'y pawisan -
at kita ang aking kabuuan.sinubukan kong maging matalino -
at nang mapanganga ka sana
sa aking angking kaalaman
tungkol sa mundong tinutuluyan.ako'y naging makisig,
pinutol ang mahabang buhok -
upang ika'y maantig -
sa liwanag ng aking titig.naging manunulat,
upang sa bawat titik ay
madama ang lalim ng
aking pag-ibig.naging isang mang-aawit,
para iyong marinig
ang sinisigaw ng puso
kong pag-ibig.ako'y naging pito -
pinilit kong maging perpekto.
ngunit tila 'di ko man lamang
naabot ang tuso mong puso.paano, binibini?
sa ilang malalakas na katok
ay 'di mo pa rin binubuksan
ang pinto sa iyong puso't isipan!mayroon bang kulang,
at hindi pa rin ako sapat?
hindi ba ako nararapat
para ika'y hulihin at angkinin?iniwan ko ang aking sarili,
umaasang ika'y mapasaakin.
ngunit nasaan ka binibini?
hindi ba sapat na ika'y tinatangi?bilis, at may hangganan
ang puso kong hinabaan
ang pasensiya, para sana'y
matamaan ang babaeng hinahangaan.pam.
YOU ARE READING
Life, as it is
PoesiaA set of words, phrases, stanzas, and sentences describing the cycle of how I fell for him, and how he hurts me undescribably.