Ibig Sabihin
Kapag ako'y iyong dinggin,
at ika'y maging akin,
ibig ba nitong sabihin,
ako'y mahal mo rin?Ibig ba nitong sabihin
na ako'y iyong napansin
at nakuha ko na rin
ang iyong pagtingin?O baka naman,
ako'y iyong pinaglalaruan.
Hindi mo siya mapalitan,
at ako ang iyong napagdiskitahan.Kaya ang ibig nitong sabihin,
ako'y walang-wala pa rin,
sa halaga niya sayo,
at ang tatak niya sa iyong puso.Ika'y hindi akin, at ang katotohana'y sa kaniya ka pa rin.
-Pam
YOU ARE READING
Life, as it is
PoetryA set of words, phrases, stanzas, and sentences describing the cycle of how I fell for him, and how he hurts me undescribably.