[ n a l u n o d ]

27 0 0
                                    

nalunod

ako'y tumitig
sa kadiliman ng gabi,
kumikinang -
walang kasing-rikit.

ako'y lumapit -
at hinawakang pilit,
ang buwan pati na rin
ang mga bituin.

ito'y lumuha
at ako'y nalunod
sa lalim ng
karagatang madilim.

ako'y umasa
na sana'y mabihag
ang buwan at
mapunta sa aking piling.

ngunit ako ang nalunod
at 'di na makawala
sa kaniyang piling.
ganito pala ang pag-ibig.

pam.

Life, as it isWhere stories live. Discover now