CHAPTER 4:
Tahimik at madilim na kwarto ang sumalubong sa akin ng magising ako mula sa aking pagkakatulog. Napagala ang tingin ko at nakitang magisa lang ako dito. Marahil ay umuwi na ang mga detective na kasama ko rito kanina. Mabuti na din 'yon kesa maging pabigat pa ako sa kanila. Dapat nga ay humingi din ako ng tawad sa kanila dahil sa nasabi ko, baka pati sila ay nasaktan sa mga sinabi ko gayong hindi naman nila hawak ang buhay ng mga magulang ko.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Akala ko ay doctor ko ang pumasok dito ngunit hindi.
Nanigas ako sa pagkakaupo ko sa kama ng makita ko syang muli. Nanatili syang nakasuot ng cap para itago ang mukha nya ngunit hindi ang mga labi nya. Nakangiti sya sakin habang dahan dahang lumalapit dala dala ang kutsilyo nya.
"W-Wag kang lalapit! Sisi...sisigaw ako—" Banta ko sa kanya pero imbis na tumigil sya ay tumawa lamang sya ng malakas dahilan para mapahawak ako sa aking tenga. Ramdam ko ang matinding takot sa aking pagkatao kaya wala na akong ginawa kundi ang umiyak.
Pilit akong sumigaw habang palakas ng palakas ang pagtawa nya. Unti unti syang lumapit sa akin at itinapat ang labi nya sa aking tenga.
"Isusunod kita." Bulong nya sa aking tenga habang unti unting nararamdaman ang pagtarak sa aking dibdib nng kutsilyo na dala nya.
"WAG!!!"
"Azalea gising! Panaginip lang 'yon, gising." Napamulat ang aking mata habang naghahabol ng hininga. Nanghihina ang katawan ko ngunit patuloy pa din ako sa pagiyak sa sobrang takot.
Panaginip lang pala. Napabuntong hininga ako at napatingin sa lalaking nasa tabi ko, si detective kim pala.
"Huminahon kana muna." Wika nya at inabutan ako ng baso na may laman na tubig.
"Salamat." Sagot ko dito.
"Ayos kana ba? Kakadating ko lang nang marinig kitang sumisigaw." Napatingin ako sa pinto ng maalala ang panaginip ko. Panaginip lang 'yon pero pakiramdam ko ay totoo.
"I-I dream about that m-man. The man who killed my parents." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya mahigpit akong napahawak sa kumot ko.
"Don't worry, we won't let him hurt you." Napatango ako sa sinabi nya at pinahid nag luha "Masakit pa ba ang ulo mo? Ano ba nangyari sayo kanina, bakit ganon nalang sumakit ang ulo mo." Napatigil ako sa sinabi nya ng maalala ang nangyari kanina.
Presinto, notes, bahay namin, naliligo sa dugo kong mga magulang. Hindi ko maintindihan kung bakit ko sila nakikita pero hindi gamit ang sarili kong mga mata kundi sa ibang tao.
"Its weird." Sabi ko habang kunot noo na nagiisip. "When you tried to make me calm I saw weird things."
"Weird things like?"
"Nakita kita sa presinto kakadating mo lang at tulog ang mga kasama mo kaya ng may tumawag sa telepono wala ka ng naging choice kundi ang sagutin ito. Ang mas weird pa dito ang narinig kong tumawag sa telepono ay ako mismo, alam kong ako yung kausap mo dahil sinabi ko ang address namin sayo. Isinulat mo yung address namin sa parang maliit na notebook at inutusan ang team mo na puntahan kami. Ganon nga ang ginawa nyo at ng makarating kayo sa bahay, p-patay..patay na ang magulang ko." Kwento ko sa kanya ng nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Past Emotion
Mystery / ThrillerYou're like a browser history, one click and you'll know his history; Whether its sad or happy. On the other side he doesn't know that feeling.