CHAPTER 8:
3 WEEKS LATER:
"Sigurado ka bang kaya mo na ngayon?" tanong sa akin ni detective kim ng makarating kami sa Southwinds University.
Matapos ang halos ilang linggo pagmumukmok sa kwarto ay nagdesisyon na akong magpatuloy sa pagaaral. Nagaalala pa nga sa akin si detective dahil baka makaapekto daw sa mental health ko ang pagaaral lalo pa at psychology ang course ko at bukod dito ay sumasailalim pa ang sa therapy para sa trauma ko.
"Detective pangarap ko 'to at ng mga magulang ko tsaka last year ko na, ngayon pa ba ako susuko?"
"Alam ko naman 'yon pero mismong mga prof mo ang nagsabi na malaki ang posibilidad na mahirapan ka. They advice you to stop temporary, atleast this year." Umiling naman ako sa kanya.
"Alam mo detective, kung may isang bagay silang itinuro sa akin, 'yon ay ang wag magaksaya ng oras. Tapusin ang isang bagay kung kaya namang tapusin, napakahalaga ng oras detective." Sagot ko sa kanya kaya wala na syang magawa kundi mapabuntong hininga. Nginitian ko na lamang sya saka lumabas sa sasakyan.
Matapos ang gabing 'yon nang muntik na akong magpakamatay ay agad din akong dinala sa ospital kung saan ilang araw akong sumailalim sa mga healing therapy, hindi ko akalain na ang tinatahak kong propesyon ay mararanasan ko, hindi bilang isang therapist kundi bilang pasyente.
Dahil nga gusto ko na din pumasok ay nagdesisyon kami na lumipat ako ng university, lalo pa at masyadong malayo ang university sa ilyang kesa dito sa southwinds. 30 minuto lang biyahe mula sa bahay nila detective hanggang dito sa university. Maganda din naman ang university of southwinds, ang totoo nga nyan ay ito ang pangarap kong school dahil dito galing halos lahat ng sikat ng psychologist sa pilipinas pero dahil nga malayo ito sa ilyang ay hindi ako pinayagan ng magulang ko.
"So, welcome to your dream university?" rinig kong sabi ni detective nang makita akong nakatingin sa entrance nito.
"Hindi mo na ako kailangan samahan detective." Paalaala ko sa kanya ngunit umiling lamang sya.
"Sasamahan pa din kita dahil simula ngayon, ihahatid at susunduin na kita." Wika nya saka ginulo ang buhok ko. Napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig iyon sa kanya.
Naalala ko kung gaano ako umiyak sa kanya noong gabi na 'yon at kung paano nya ipinangako sa akin na sasamahan nya ako. He's doing his promise.
"Nagbago naba ang isip mong pumasok? Balik na ba tayo sa bahay?" bigla nyang tanong kaya naman hinabol ko sya sa paglalakad.
"Hindi 'no. May naalala lang ako."
"Kayo ba si detective kim?" tanong ng matandang lalaki sa amin bago kami pumasok sa office nya, kung hindi ako nagkakamali sya ang dean ng university na ito.
"Ako nga po, Mr. Valonzo?" ngumiti naman sa kanya si Mr. Valonzo at nakipagkamay.
"Ako nga, sya ba si Ms. Azalea Ventura ang bago naming estudyante?" tumango ako sakanya bilang pagsang-ayon. Napatingin naman ako ng detective kim ng makitang iaabot nito ang kamay nya sa akin.
"A-ah Mr. Valonzo maari na ba tayong pumunta sa office para magusap?" napabaling ang tingin nya kay detective at pilit na ngumiti kahit kita ko sa mukha nya ang pagka-pahiya.
"Mabuti pa nga." Wika nito saka ibinalik ang kamay nya sa kanyang bulsa at pinabuksan kami ng pinto.
Nang makarating kami sa office nya ay ipinaliwanag nya lamang ang mga patakaran sa university pati ang mga kailangan kong gawin. Kumpleto na din naman ang mga requirements ko kaya wala ng naging problema pa dito. Tiyak na wala na din naman daw magiging problema sa mga Prof ko dahil sa ganda ng grado ko at kung hindi nga daw ito bababa ay maari akong makasama sa dean's lister.
BINABASA MO ANG
Past Emotion
Gizem / GerilimYou're like a browser history, one click and you'll know his history; Whether its sad or happy. On the other side he doesn't know that feeling.