CHAPTER 39:
"Sayo galing lahat ng flashdrive na 'yon?" inilibot ko ang tingin ko sa kabuo-an ng hidden room nya.
Sandamakmak na picture ang nakapaskil sa white board nya, madami sa mga ito ang picture ng kapatid nya. Meron din ditong kuha sa cctv, sa pagkakaalam ko ay ito ang mga panahon kung saan iniwan ang katawan ni Carille sa basurahan. Ang araw kung saan itinago nya ako sa sarili nyang kapatid.
May kung ano sa akin ang nagdududa pa din sa kanya dahil maari nyang baliktadin ang kaso. Maaring sya ang pumatay sa magulang ko habang ang kapatid naman nyang si Addison ang totoong inosente sa lahat ng ito.
"Alam kong nagdududa ka pa din sa akin at hindi kita sisisihin. Ayoko sabihin na pagkatiwalaan mo ako pero gusto ko lang malaman mo na gusto ko na talagang wakasan lahat ng ito. Wala din akong pakialam kung makulong din ako, basta ang mahalaga ay magbayad na kami sa kasalanan namin."
"Ilang taon? Ilang taon ka bago makalaya sa lugar na 'yon?"
"Labing lima, labing limang taon din kami ikinulong sa lugar na 'yon. Hindi nya kami hinayang makalabas, ibinibili nya kami ng libro para makapagaral kahit paano, noong bata kami ay wala kaming narinig na musika kundi ang sigaw ng iba't ibang tao na kinuha nya. Ang tanging ginagawa lamang namin ni Addison ay ang manuod sa ginagawa nila dahil miski TV ay wala kami. Labing limang taon, hindi man kami nakakaranas ng mga pisikal na sakit katulad ng mga bihag ni Papa ay naranasan din naman naming makulong sa isang lugar na dapat sana'y aming tahanan ngunit naging mistulang kulungan." Unti-unting nabuo ang luha sa mga mata ko habang nakikinig sa mga sinasabi nya.
"I-Ikaw ba ang tumulong kay Kineah?" tumingin sya at muling tumango sa akin.
"Akala ko ay ligtas na sya pero hindi din pala sya pinatakas ng bangungot nya. Pasensya kana, kung una palang ay naglakas loob na akong gawin ang tama sana ay hindi na umabot sa ganito."
"H-hindi ko pa din kayo mapapatawad." Usal ko at tumayo para umalis sa bahay nya, ngunit bago pa ako makaalis ay muli syang nagsalita.
"Tuso ang kapatid ko, sa tuwing makikita mo ako ay una mong titigan ang mga mata ko dahil iyon lamang ang makakapagsabi kung sino talaga ang taong kaharap mo. Magpanggap ka muna na walang alam dahil hindi ko alam ang magiging susunod nyang hakbang sa oras na mapagtanto nyang alam mo na ang lahat. Pangako, gagawin ko ang lahat para makalaya kana sa alaala na lagi mong dala dala.
"Siguraduhin mo lang na sa presinto na tayo susunod na magkikita." Hindi ko na sya nilingon at dali daling lumabas ng bahay.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay nadatnan ko si Kuya na tulog sa sofa, may hawak hawak pa itong mga papel. Baka nakatulugan na ang paghahanap. Pumasok ako sa kwarto nya at kumuha ng kumot para sa kanya.
Inayos ko na din ang higa nga at inayos ang gulo gulong papel na nasa lamesa.
"This is my fight Kuya, let me do this thing for your safety. I can't lose you." Wika ko saka humalik sa kanyang noo.
►►►
"Nag-lunch kana?" Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Mariano. Sinamaan ko ito ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. "Nagulat nanaman ba kita?" tanong nya habang napapatawa.
"Wala akong panahon sa kalokohan mo, asikasuhin mo ang mga pasyente mo." Sabi ko dito habang hindi sya tinitipuhan ng tingin.
"Kakakain lang e." Reklamo nito, napailing na lang ako.
Sa huli ay wala na din akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Kakain na din naman dapat ako, sya lang itong may biglang pagsulpot.
"Ligawan kaya kita?" nasamid ako sa kinakain ko ng bigla nya nalang itong sabihin.
"Gago kaba?" tanong ko dito dahilan para manlaki ang mata nya.
"Hoy Ventura, 2 taon ang tanda ko sayo wag mo akong ginagago." Sabi nito kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin.
"Sa gago ka e." Sambit ko saka iniwan sya dito. Narinig ko pa ang pagtawag nya ngunit hindi ko na muli sya nilingon.
May sira na ata.
Dahil sa sinabi nya ay nawalan na din ako ng gana kumain kaya nagderetsyo nalang din ako sa office.
Nagulat ako ng makita si Filius sa loob ng office ko. Nakaupo lamang sya dito at parang hinihintay ang pagdating ko. Pinakatitigan ko sya at nakahinga ako ng maluwag kahit paano ng makasiguro na si Filius nga ang kaharap ko.
"Anong ginagawa mo dito?" sambit ko saka naupo sa swivel chair.
"Nasa loob na nito lahat ng ebidensya na makakapagturo kay Addison, ikaw ang magbigay nito sa Kuya mo." Napatingin ako sa kamay nya, hawak hawak nya ang isang itim na flashdrive. Kinuha ko ito at ipinalsak sa computer.
Tama nga sya may sapat na ebidensya na dito para mahuli ang kapatid nya. Hindi ko na alam kung saan nya nakuha ang lahat ng ito, pati ang kuha ng mga cctv ay meron sya, ang nakakapagtaka ay meron din syang kopya ng cctv noong gabi na pinatay ni Addison ang magulang ko. May mga kuha din na tila galing sa blackbox ng mga sasakyan, hindi na mahalaga kung saan niya ito nakuha dahil ang tanging mahalaga ay ang mga ebidensya.
"Bakit hindi nalang ikaw ang mismong magpunta sa pulis para sa kasalanan ng kapatid mo?"
"Kapatid ko pa din sya, Azalea. Ginagawa ko lahat ng 'to para sa ikabubuti nya dahil ito nalang ang tangi kong nakikita na paraan." Tumango ako at pinatay ang computer na nasa harap ko. "Sa presinto nalang ulit tayo magkita." Sabi nito bago tuluyang lumabas ng office ko.
Tatawagan ko na sana si Kuya para ibigay sa kanya ito ng bigla na lamang dumating si Justin.
"Kape po?" tumango nalang ako at hinayaan syang ilagay sa table ko ang kape na dala dala nya.
"Justin nacheck mo na ba si Mr. Henry? Baka mamaya makatakas nanaman 'yon ha." Sabi ko dito.
May isa kasing pasyente na lagi nalang tumatakas dito sa ospital at laging pumupunta sa bar. Mabuti sana kung umiinom lang sya, ang kaso mo ay nanggugulo din sya.
"Tulog po sya ngayon, Doc." Tumango nalang ako saka humigop sa kape na dala nya.
"Sige na, susunod nalang din ako mamaya may aasikasuhin lang ako." Sambit ko, tumango naman sya saka umalis sa office ko.
Ilang minuto ang lumipas at tuluyan ng sumagot sa tawag si Kuya.
"Azalea?"
"San ka kuya?" tanong ko naman dito.
"Police Station, may kailangan ka?"
"Ah nan—" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla kong maramdaman ang pagikot ng paligid ko.
"Ano? Nagpuputol-putol ka."
Napahawak ako sa ulo na ng biglang makaramdam ng antok.
"Azalea?"
Napatingin ako sa table ko kung nasaan ang kape na nainom ko. Shit.
"F-flashdrive, b-black. L-last evidence." Kusa kong nabitawan ang cellphone ko, napasalampak naman ang mukha ko sa table.
Pilit kong pinipigilan ang antok na dumadaloy sa sistema ko ngunit habang tumatagal ay lalo lamang bumibigat ang talukap ng mata ko.
Naramdaman ko ang pagbukas ng office ko at doon ko muli nasilayan ang mukha nya. Hindi ito mapakali habang nakatingin sa akin.
"I'm sorry, I'm really sorry." Sambit nya.
"You decieved me."
■■■■■■■■■■■■
END OF CHAPTER 39!
VOTE & COMMENT!
THANK YOU FOR READING!!
BINABASA MO ANG
Past Emotion
Mystery / ThrillerYou're like a browser history, one click and you'll know his history; Whether its sad or happy. On the other side he doesn't know that feeling.