CHAPTER 12:
[WARNING! This contains sensitive topic such as depression and suicide. Please skip this chapter if you are highly sensitive. Read at your own risk]
Umagang umaga palang ay basang basa na ako ng pawis dahil sa pagtakbo ko sa mga pasilyo ng ospital. Bawat minutong lumilipas ay mas lalong bumibigat ang pagtibok ng puso ko. Unti unting nanlalamig ang mga kamay ko ng tuluyan akong makapasok sa elevator.
Napahawak ako sa pinto ng rooftop habang naghahabol ng hininga. Tinitigan ko ang mga tao dito na halos hindi na din makagalaw sa nangyayari. Lahat sila ay nakatingin lamang sa iisang tao, sa taong nakatayo sa kabilang railings ng rooftop na ito at sa oras na bumitaw sya ay tiyak na mamatay sya sa taas nito.
"Doc, kanina pa sya nandyan. Wala syang ginawa kundi umiyak ng umiyak at magsisigaw. Hindi sya nakikinig samin." Wika ni justin, tiningnan ko ang mukha nito at namumutla na din sya marahil sa takot.
"Anong pangalan nya?"
"K-keisha doc." Tumango ako dito at maingat na lumapit sa kinaroroonan nya.
"Keisha? Keisha wag mong gawin 'to, hindi ito ang sagot sa nararamdaman mo. Halika at maguusap tayo." Natatakot man ay nanatili akong kalmado para sa kanya.
"M-mahal nya po ako, p-para sa kanya k-kaya ko ginagawa ang l-lahat ng ito." Lumakas ang bawat pagiyak nya habang nananatili syang nakahawak sa railings.
"Keisha hindi sya matutuwa kung gagawin mo 'to. Sige na keisha, kumapit kana sa kamay ko. Hayaan mo akong tulungan ka."
"HINDI! MAHAL NYA AKO! MANIWALA KAYO SAKIN NA MAHAL NYA AKO!" Bigla na lamang syang nagsisigaw na parang wala na sa kanyang sarili. Panay ang pagiyak nya habang paulit ulit na umiiling.
"ANAK KO!!" nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ng sigaw mula sa likuran ko. Napaharap ako dito at nakita ang hindi pa katandaang babae na naglupagi sa sahig nitong rooftop habang umiiyak na nakatingin kay keisha, sya siguro ang ina.
"Madami pang nagmamahal sayo keisha, hindi pa katapusan ng mundo kaya sige na, tama na 'to. Humawak kana sa kamay ko para mas makapagusap tayo."
"B-bakit...b-bakit ba kayo hindi naniniwala s-sakin, MAHAL NYA AKO." umayos ng tayo si keisha habang ako naman ay unti-unting lumapit sa kanya
"Keisha, tahan na. Kakampi mo pa kami, poprotektahan ka namin."
"ANAK SIGE NA! SUMAMA KANA SA KANYA! WAG MO NG PATAGALIN PA ANG BAGAY NA ITO!!"
Itinaas nya ang kamay nya na wari'y inaabot sa akin kaya naman maingat akong lumapit sa kanya para iabot ang kamay ko. Ngunit bago ako maabot ang mga kamay nya ay ngumiti ito sa akin habang patuloy ang tulo ng mga luha sa kanyang mata.
"HINDI!!" sigaw ko ng makita ang pagbitaw nya sa mga railings. Mabilis kong inihakbang ang paa ko patungo sa kanya ngunit mas mabilis ang pagkakabitaw nya.
Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatingin sa baba ng ospital kung saan naroon ang mga rescue team ngunit hindi rin nagawang iligtas ang dalaga. Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko habang ibinagsak ito sa sahig ng rooftop.
Naramdaman ko ang pagalis ng ibang tao dito kasama na ang mga doctor at mga pulis na nandito kanina. Wala na akong nagawa kundi ang mapahilamos sa aking mukha. Nakatulala lamang ako habang nakaharap sa railings kung saan sya bumitaw.
Bakit ba hindi ko nagawang iligtas sya? Bakit sa dami ng pagkakataon na pwede kong abutin ang kamay nya ay hindi ko nagawa? Bakit hinayaan ko nalamang syang tumalon doon. Wala akong nagawa, wala akong nagawa para iligtas sya.
BINABASA MO ANG
Past Emotion
Mistero / ThrillerYou're like a browser history, one click and you'll know his history; Whether its sad or happy. On the other side he doesn't know that feeling.