Chapter Thirty-Eight

10 2 0
                                    

CHAPTER 38:


Year 2008:

The abduction of Kineah Cassandra Ignacio

"Magbabayad ka! Magbabayad kayo!" Sigaw ng dalagang si Kineah, pilit syang kumakawala sa gapos nya ngunit higit na mas mahigpit ito. Wala syang nagawa kundi ang panuodin ang ibang kasamahan nya na parusahan.

"Anak, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa panginoon mo." Lumapit si Theodore dito at marahas na hinawakan ang pisngi ng dalaga.

"Hindi talaga ganito ang trato ko sa aking panginoon, dahil hindi ikaw ang panginoon ko! Hinding hindi ka magiging panginoon, isa kang baliw at walang kwentang tao!" Halos mabingi ang dalaga dahil sa malakas na sampingang natamo nya. Ngunit parang wala na sa kanya ang ganong bagay dahil sa ilang beses nyang matanggap ito. Imbis ay ngumisi sya at sinamaan ng tingin si Theodore na nasa harap nya.

"Lapastangan! Hindi ganyan ang utinuturo ko sayo, dahil yan sa pagsamba mo sa kung sino sino! Ginagawa ko ang lahat ng ito para maituwid kayo."

"P-Papatayin din kita s-sa oras na m-makalabas ako dito." Buong tapang nyang sabi habang hindi inaalis ang tingin sa matanda.

Dahil sa galit ni Theo sa dalaga ay muli nya itong ikinulong sa kwarto kalinisan.

Puno ng kulay puting pintura ang kwartong ito habang may malaking salamin sa itaas kung saan kitang kita mo ang iyong sarili.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak at pumikit para lamang hindi makita ang nakakalulang puting kwarto na yon.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang binatang may dalang tubig habang walang emosyong nakatingin sa kanya.

"Uminom ka ng tubig, sabi ni Mama."

"S-Save me. I'm b-begging you, please save m-me." Pagmamakaawa nya sa binatang nasa harap nya. tinitigan lamang sya nito saka muling lumabas ng kwarto. Walang magawa si Kineah kundi ang mapaiyak.

Linggo na ang itinagal nya sa hindi nya malamang lugar, ang pagasa nya na mahahap sya ng Kuya nya ay unti-unti ng naglalaho. Hindi nya alam kung paano makakatakas sa lugar na ito at hindi nya din alam kung hanggang kailan ang itatagal nya dito.

2 sila na sabay dinukot ng araw na 'yon at ang nagiisa nya pang kasamahan ay posibleng wala na sa mga oras na ito.

Isa, dalwa hanggang sa hindi na mabilang na araw ang itinagal nya sa kwarto, hinang hina na sya ngunit buo pa din ang loob nyang lumaban. Lumaban sa isip nyang tila unti-unti ng bumibigay. Ginamit nya ang Juice na pinapainom sa kanya para isulat ang pangalan nya sa sahig ng kwarto, tinititigan nya lamang ito hanggang sa matuyo. Pilit ipinaaalala sa sarili kung sino sya dahil tiyak sa mga susunod pang araw ay mawala na talaga sya sa sariling pagiisip nya.

Napalingon ang dalaga ng makita nya ang pagbukas ng pinto. Aatras na sana sya ngunit napabalik na lang sya sa ginagawa nya ng malaman kung sino ang taong ito.

"Kumain kana daw sabi ni Mama." Walang gana sambit ng binata sa kanya.

"Magiging sunod-sunodan kana lang ba sa kanila? Balak mo ba maging katulad nila?" sambit ng dalaga habang hindi pa din maalis ang tingin sa natutuyong juice sa sahig nya.

"Sasaktan nya si Addison kapag hindi ako nakinig sa kanya." Sagot nito. Napangisi naman ang dalaga.

"Sa tingin mo ba sinasaktan nya talaga si Addison? Tinatakot ka lang nya pero hindi nya kayang pumatay ng kapamilya, hindi mo ba alam 'yon?"

Past EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon