Chapter Seven

37 3 0
                                    

CHAPTER 7:


[[WARNING! This contains sensitive topic such as depression and suicide. Please skip this chapter if you are highly sensitive. Read at your own risk]


"Detective kim, I think this is too much. You already helped me a lot." I said but he just smiled at me while focusing on driving.

"This is for your safety, Azalea. Malaya pang nakakagalaw ang pumatay sa mga magulang mo at isa pa hindi na katiwa-tiwala ang mga taong nasa paligid mo." Iniwas ko ang tingin sa kanya habang inaalis sa alaala na muntik na akong ma-rape at mapatay kagabi ng akala ko ay mapagkakatiwalaan ko.

"Baka mas maayos na nga 'yon detective. Baka mas ayos na mapatay nya na din ako para matapos na ang paghihirap ko at makasama ko na ang mga magulang ko." Bigla nyang itinigil ang sasakyan at tumingin sa akin, "I don't even know how to start, umikot yung buhay ko na sila nalang ang kasama kaya paano na ako ngayon? Mas mabuti pa nga siguro kung hinayaan nyo nalang akong mamatay nang gabi na yon. Wala na ang magulang ko kaya ano pang silbi ng buhay ko?" Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko at hindi ko na maitago ang mga hikbi ko.

Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko na sa sobrang bigat ay pati tiyan ko ay nakakaramdam ng sakit. Maingat nyang hinagod ang likod ko para pakalmahin ako, ayokong ayoko na hinahawakan ako ng ibang tao pero hindi ko na sya magawang pigilan. I feel safe, may kung anong bumubulong sa akin na pagkatiwalaan ko sya, na mapagkakatiwalaan ko sya.

Matapos ang insedente kagabi ay muli akong dinala sa ospital at pagkagising ko kaninang umaga ay dala dala na ni detective kim ang gamit ko. Sinabing pansamantala muna ako sa kanila titira habang hindi pa nahahanap ang pumatay sa magulang ko. Dahil din sa nangyari kagabi ay hirap na akong pagkatiwalaan ang ibang tao. Nahuli na si uncle joe ngunit hindi pa din malinaw sa mga pulis kung sya ang pumatay sa magulang ko dahil hindi nakita ang murder weapon na ginamit sa pagpatay sa magulang ko. Nakulong sya sa kasong attempted rape with homicide pero hanggang don palang yon, at pakiramdam ko hindi sya ang taong pumatay sa magulang ko. Tama sya na mahal na mahal nya si mommy at hindi nya ito magagawang patayin, isa pa ibang iba ang ngiti nya sa ngiti ng taong pumatay sa magulang ko.

Tahimik lamang ako buong biyahe. Malayo layo din ang Southwinds mula sa Ilyang kung saan kami nakatira kaya inabot kami ng halos dalwang oras na biyahe.

Katulad ko ay tahimik lamang din na nagmamaneho si detective kim. Paminsan minsan ay tinititigan ko sya ngunit naiilang ata sya kaya hindi ko na inulit. Madalas akong may nakikitang kakaiba sa mata nya, panghihinayang at lungkot. Pagka-ulila at sakit. Pero hindi ko maintindihan kung para ba sa akin ang bagay na 'yon o sa isang tao na naaalala nya sa akin.

"Malapit na tayo." Wika ni detective kaya naman napatingin ako sa labas.

'WELCOME TO SOUTHWINDS CITY' Basa ako sa karatula na nakasulat.

"Masyadong madaldal ang nanay ko kaya sana mapagpasensyahan mo na sya. Ako nalang din kasi ang anak nya kaya excited sya, pero wag kang magalala nasabihan ko na din naman sya." Paliwanag nya sakin habang naiilang na ngumiti.

"A-ayos lang ba sa kanya na doon muna ako? baka hindi sya maging komportable na makasama ako." tanong ko at umiling naman sya bilang sagot.

"You have no idea how excited she is." Bulong nya ngunit hindi ko na ito pinansin.

Makalipas nga ang ilang minuto ay dumating na kami sa bahay nila detective kim. Hindi ito kasing laki ng bahay namin at ngunit maaliwas tingnan ito dahil sa mga halaman sa kanilang bakuran. Hindi pa kami nakakapasok sa bahay ay agad na kaming sinalubong ng ina ni detective, hindi pa sya ganon katanda at mapapansin mo agad ang pagkakahawig nilang magina.

Past EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon