Chapter Thirty

7 1 0
                                    

CHAPTER 30:


"How's Rendell?" tanong ko kay Mariano habang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital.

Galing kami sa garden matapos tingnan ang mga pasyente na nandon, nang umalis ako ay sumunod na din ito sa akin.

"His stable, minsan pa nga ay lagi syang nasa garden para kausapin ang mga matatanda." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"That's good." Tumango din naman sya sa akin biglang pagsang-ayon. Magkaiba ang way ng office nya at akin kaya naman naghiwalay na din kami.

Naabutan ko si Justin sa office na may ipinatong na box sa table ng office ko.

"Ano 'yan?" napahawak sya sa dibdib nya nang marinig nya ang boses ko. Mukha namang napahinga sya ng maluwag ng makita ako.

"Ewan ko po, may nagdeliver sa labas at sinabing sa inyo daw po e. Gayak po ay tatawagan ko kayo kaso naisip ko na baka maabala ko kayo kaya ako nalang ang kumuha." Lumapit ako dito at tiningnan ito.

Binuksan ko ito at bigla nalang nanlamig ang katawan ko ng makita ang isa pang box sa loob nito. Parehas ito sa unang box na nakuha namin ni Sam.

"Sinong nagbigay nito sayo?" bulyaw ko sa kanya. Kung may nagpadala nanaman sakin ng ganito ibig sabihin ay para nga sakin ito at hindi kay Kuya. Walang dahilan para ipadala sa ospital ang isang bagay na 'to kung kay Kuya dapat ito.

"A-ah hindi ko po alam, delivery guy po nagabot sakin hindi ko naman na po nakuha ang pangalan nya." napahinga ako ng malalim at napaupo sa upuan. Hindi pa din maalis ang tingin ko sa maliit na box, siguradong naglalaman nanaman 'yon ng flashdrive. "Ano po ba 'yan Doc?" bumalik ang tingin ko kay Justin na nakatayo pa din. Umiling na lamang ako sa kanya.

"Sige na, bumalik kana sa don." Utos ko dito, tumango naman sya at sinunod ako.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang isaksak ang flashdrive sa computer ko. Katulad ng nauna ay may iisang file lang dito, pero iba na ang nakalagay na title dito.

'Year 2007- NO.1'

Muling bumungad sakin ang isang video kung saan may tatlong tao. Isang lalaki na nakatalikod mula sa camera, isang babae na nasa likod na wari'y nanunuod habang ang isa ay babaeng nakaupo sa kulay itim na silya. Ibang babae ito mula sa unang napanuod namin, bukod pa dito ay hindi din sya nakagapos katulad noong nauna. Ang mga mata nya, walang galit o lungkot dito, walang kahit na ano. Tulala lamang sya habang deretsyong nakatingin sa camera.

"Magandang araw, Hija. Maari ko bang malaman ang nangyari sa magdamag mo?" tanong ng lalaking nakatalikod sa camera, tumingin ang babae sa kanya at tumango.

"Nagbasa lamang ako ng libro na bigay nyo, Ama. Binasa ko ito ng maigi at inintindi, matapos non ay nahiga na ako sa aking silid at nagumpisang matulog."

"Masaya ako at bumubuti na ang takbo ng utak mo. Sinabi ko na nga ba na makakatulong ang pananatili mo sa kwarto ng kalinisan para maalis ang bahid ng kasamaan na naidulot sayo ng mundo." Sumilay ang ngiti sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa lalake na kausap nya. Kung kanina ay walang emosyon ang mata nya ngayon ay puno ito ng saya. Wari'y humahanga din sya sa lalaking kausap nya.

"Maraming salamat po, panginoon." Muling sabi nang babae.

"Maaari ko bang itanong kung ano ang pangalan mo?" tanong muli ng lalaki sa kanya, ibinaling nya ang tingin nya sa camera at muling ngumiti dito.

"Johan...Johan Perez ang pangalan ko. 18 taong gulang at nakatira sa Woodhills, patay na ang parehas kong mga magulang ngunit nasa mabuti na akong kalagayan. Imposible ang bagay na 'yon kung hindi ko kayo nakilala, aking panginoon." Muli itong tumingin sa lalaki na nasa harap nya. Lumapit ito sa kanya dahilan para mataklubana ang babae.

Past EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon