--------
Niccolo's Point of View
Hinila ko siya palabas ng bahay at hawak ang kanyang kamay, tahimik kaming naglakad, walang partikular na direksyon.
'Oi.'
Nilingon ko sya nung nagsalita sya.
'Bakit?'
Inginuso nya ang kamay niyang di ko pa rin binibitawan.
'Tama nang hawak. Chansing ka na masyado.'
Tumawa ako.
'Ayaw. Nageenjoy pa nga ko. Hayaan mo na. Ngayon lang naman to.'
Nagkibit-balikat lang siya at nawalan ng kibo.
Sobrang tahimik naman.
Tsk. Di kaya enjoy pakinggan ang concert ng mga wala sa tonong kuliglig.
Silence. . .
Silence. . .
Silence. . .
'Bakit pala gising ka pa?'
Nabigla ako nung nagsalita sya.
'Sinagot ko na yan kanina. Sabi ko diba nakatulog na ko. Nagising lang.'
'Eh bakit ka nagising bigla?'
Binigyan ko sya ng 'Are-You-Freakin-Serious Look'.
'Wag ka nga. Alangan naman bigla ka na lang makakaisip na gigising kaya ka gumising. I mean seriously, baka naman may bumabagabag sayo or something. . .'
Napailing ako.
'Wala yun. Tsk. Daldal mo, Miss.' Ginulo ko yung buhok niya gamit yung kabila kong kamay.
Tinabig nya yung kamay ko.
'Ano ba?! Tsk.'
Tinawanan ko lang sya.
Katahimikan na naman.
Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa mini court ng subdivision.
'Tambay tayo dun sa bleachers.'
She nodded. Hinila ko sya papunta mga nakahilerang upuan na nakapaligid sa court.
Katahimikan ulit.
'Miss. . .'
Tumanaw ako sa malayo.
'May bagay ka ba na pinagsisisihang gawin o di nagawa sa past mo?
Nilingon ko siya. Nakatingin siya sakin ng taimtim.
'So, yun ang bumabagabag sayo.' She concluded.
Tumango ako.
'Tell me about it.' She smiled reassuringly at pinisil pa ang kamay ko.
'Once upon a time, I was a member of a fraternity. That was way back in my second year in college.'
I looked straight ahead as if I can see the past being played back right before my eyes.
'I have this huge crush on an ordinary girl. I was her silent hero. Napaka-weak niya kase. Siya yung laging pinagti-tripan dahil nga hindi sya marunong lumaban.'
I sighed.
'I thought being her savior was enough para ipakita sa kanya kung gaano siya kahalaga sakin.'
I smiled bitterly.
'But guess what? I was wrong. Di pa pala sapat yung pagtulong ko. Kase naghanap pa siya ng tutulong sa kanya.'
![](https://img.wattpad.com/cover/25919979-288-k112000.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BITCH STORY
ChickLitHindi ako habambuhay na luluhod sainyo. Darating ang araw, ako naman ang luluhuran niyo. Eh bitch ako, ano magagawa nyo?