BITCH' Nine

72 1 0
                                    

Greg's POV

It has been a week since she left. My Prim. My love. My life.

It's so hard to accept na gumawa siya ng desisyon without me. And worse, iniwan nya pa ko.

Sino nga ba naman kase ako? Just someone she was forced to be with because of pity.

Pero ano ba ang ginagawa niya? Hindi ba't sinasaktan niya na rin ako sa ginagawa niya?

I love Prim so much. Pero minsan inisip ko, tama pa ba na mahalin ko siya o baka naman dapat na ko na siyang bitawan at maghanap ng iba?

Sigh. I guess, the latter is almost the same as committing suicide. Di ko kase kaya. Kahit nga ata kamatayan, dala ko pa rin ang alaala ng pagmamahal ko sa kanya.

'Greg, iho! I am so glad to see you here!'

Sinalubong ako ni Tita Lou. Sino siya? Nanay ni Prim. Close kami niyan. Ako kase ang pinagkakatiwalaan nila na magaalaga sa anak nila.

'Same here, Tita. Where is Tito Ully anyway?' I asked as I sit. Andito kase ako sa bahay nila.

'He's at work. You know your Tito, workaholic.'

I laughed when she rolled her eyes. Kamukhang kamukha niya kase talga si Prim. Kaya nga dito ako madalas na nagpapalipas ng oras para di ko masyadong ma-miss si Prim.

Prim. Nawala ang ngiti ko nang naalala ko siya. Nalulungkot na naman ako.

Napansin ata ako ni Tita kaya natigilan siya.

'Greg. . .'

'I'm fine Tita. Namimiss ko lang po talga sya. I guess never ako masasanay na malayo sa kanya. Ever since bata kami, ako na ang kasama niya.'

Tita went near me at hinawakan ang mga kamay ko.

'Intindihin mo na lang muna ang anak ko, Greg. You know what she went through, right?'

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

'I know, Tita. I know. Natatakot lang ako para sakanya. Natatakot akong isipin na malayo siya. What if, mapahamak siya? If anything bad happens to her, I don't know if I can ever forgive myself.'

Nakakaunawang tinapak ni Tita ang balikat ko.

'Ina niya ako, iho. Kung nagaalala ka, mas lalo naman ako. But I can't stop her. It's her own battle. Para sa ikatatahimik ng konsensiya niya.'

Malungkot na nginitian ako ni Tita.

I tried to smile back.

'Naiintindihan ko po, Tita. K-kamusta na po pala s-si. . .'

Naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng kalabog mula aa taas. Sinundan ito ng mga gamit na itinatapon at nababasag.

Napatayo kami ni Tita sa pagkakaupo.

Tiningnan ako ni Tita.

'This is the reason why I didn't stop her from leaving, Greg. Habang naririnig niya ang mga sigaw na yan, di siya matatahimik.'

Napatingin ako sa hagdan nang humahangos na bumaba ang isang dalagang magulo ang buhok at puno ang luhang ang maputlang mukha habang sumisigaw.


'MAMA, ANDITO NA SILA MA. MA!! THEY ARE TRYING TO KILL ME!!! MAAAAA!'

Hindi napansin ng dalaga ang isang nurse sa likuran niya at di rin niya naiwasan ang pampatulog na itunurok sa kanya.

THE BITCH STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon