Chapter 14
Skip
2 days before operation
Lisa pov
"kailan ko ba talaga pumunta dun ngayon? Pwedi naman sa araw nalang na ooperahan ako eii" pagmamatigas ko ng ulo kay bambam at rose...sabi kasi sa akin ni bamabm kailangan daw ipasok na ako sa hospital dalawang araw bago operahan para maihanda daw nila ang katawan ko sa possible na mangyari sa akin
"ano kaba lis..para sayo din naman to kaya sa ayaw at gusto mo pupunta tayo dun"...pagdedemand naman sa akin ni rose
"ayoko nga kasi.. mababagot lang ako dun..wala akong kausap" pagmamatigas ko
"sasama kaba o gusto mopang kaladkarin ka namin papuntang hospital" inis na sabi ni rose
"hays..kung ikaw nalang kaya pumunta sa hospital total ikaw naman may gusto pumunta dun" sabi ko sa kanya at nakatanggap naman ako ng batok mula sa kanya
"aray!..ano ba?" inis kong sabi
"sira kaba?..ikaw yung may sakit sa ating dalawa tapos ako papapuntahin mo sa hospital" sabi niya at binatukan nanaman ako...gaganti pa sana ako ng magsalita si bam
"tama nayan..late na tayo lisa, rose sumakay na kayo sa loob ng kotse" utos nya..hindi ko sya sinunod at sumandal lang sa sasakyan
"hays..kahit kailan talaga napakatigas ng ulo.." sabat ni rose na ngayon ay nasa loob na ng kotse
"pumasok ka na nga lang wag kanang umarte diyan d bagay sayo" dagdag nya..haysss.no choice ako kundi pumasok nalang sa loob ng kotse
"sasama ka din naman pala pinahirapan mo pa kami" dada niya nanaman
"manahimik ka na nga lang diyan" sabi ko sa kanya at naglagay ng earphone sa teinga ko
*habang nakikinig ng music naisipan ko munang-umidlip medyo malayo pa naman byahe namin at sigurado akong matatagalan pa kami dahil sa sobrang haba ba naman ng traffic kaysa sa traffic ang makikita ko matutulog nalang ako*
Rose pov
"gisingin mo na si lisa" utos sa akin ni bambam ng makarating kami sa hospital...agad ko naman ginising si lisa at buti nman nagising ito agad
"bakit ba? Natutulog pa ako eii" sabi niya habang nakapikit pa ang mga mata nya
"tatayo kaba diyan o iiwanan ka namin dito sa loob ng kotse?" pang gigising ko sa kanya.. naglabas naman to ng buntong hininga bago lumabas ng kotse
"kailangan ba talaga to?" tanong niya...nanaman... paulit paulit nalang to
"ilang ulit ba namin sasabihin sayo to lisa-yah? tigas talaga ng ulo mo" hindi na ito sumagot sa sinabi ko at nauna na maglakad sa amin
"bam sa tingin mo makakaya kaya ni lisa yung operasyon sa kanya?" mahinang tanong ko kay bam
"oo naman.. tsaka alam naman natn na malakas si lisa kaya sigurado ako makakayanan nya yan.." simula ng ipakilala sa akin ni lisa itong si bambam puro positive ang sinasabi
"sana nga" mahinang sabi ko
"wag ka mag-alala rose gagawin namin ang lahat para gumaling siya at mawala na kung ano man ang nasakanyang katawan ngayon at para maging masaya na ang kaibigan natin" see positve nanaman
natigil naman kami sa pag uusap ng may tumawag sa amin
"yah.. rose! bam! diyan lang ba kayo? kanina pinagmamadali niyoko tapos ngayon mauunahan kopa kayo " sigaw sa amin ni lisa at agad naman kami pumunta kung nasaan siya