Chapter 2

212K 6.9K 778
                                    

Chapter 2

"Haay..." hikab ko para malaman ng teacher na 'to na ang boring ng klase n'ya.

Ikwento daw ba yung buhay n'ya sa'min? Asa namang ie-exam 'yan.

Ngayon ko lang napansin na lahat pala ng mga kaklase ko ay sa akin nakapukol ang tingin. They are all watching me like I'm some kind of a criminal.

"Is anything wrong Miss..." Hinintay ng teacher na sabihin ko ang pangalan ko kaya sinagot ko.

"I'm Jamaica and just an opinion, tigilan mo na 'yang kaka-kwento mo sa buhay mo dahil walang may interesado." bored kong sabi sakanya saka ako tumayo dahil nagring naman din yung bell.

Bago pa ako makalabas ng room. Hinawakan nung teacher yung braso para ata pigilan ako.

Tinabig ko ito para malaman naman niyang hindi ko gustong may humahawak sa akin.

"Meet me in my office at exactly 11:30 am," sabi n'ya na halata ko namang naiirita s'ya sa ugali ko.

I faked a smile. "It's my pleasure." sabi ko at lumabas na.

Naghanap ako ng mau-upuan ko para magbasa ng libro ngayon. Mga 40 minutes pa ata ako pupunta sa office nung teaher kong boring kaya magbabasa muna ako ng libro.

Umupo ako sa damuhan, marami namang mga bench pero mas prefer kong umupo sa damuhan.

Magsisimula na sana akong magbasa ng may biglang bumangga sa likod ko.

Nice. Very nice.

Nadapa pa s'ya nun pero tumayo ulit saka tumakbo at nagtago. May mga security rin namang tumakbo pero hindi ko na pinansin at itinuon ang pansin sa babasahin ko.

"Ma'am, meron po ba kayong nakitang lalaking outsider dito? Dito po kasi sya dumaan eh," tanong sa'kin nung guard.

Ah, shit. Umangat ang tingin ko sa security guard.

"Pake ko sa responsibilidad mo?" taas kilay kong tanong sakanya.

"Ay, paumanhin po sa istorbo, Ma'am. Gusto lang po sana naming itanong kung sakaling nakita niyo po. Sige po." anito saka nagmadaling tumakbo paalis.


Napaangat ang tingin ko nung mapansin kong may nakatayong lalaki sa harapan ko. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Tama nga ang hinala ko, crush mo talaga ako. Kaso..." inilapit n'ya yung mukha n'ya sakin at nagsmirk. "May girlfriend na kase ako eh, kaya nga lang...." mas lalo s'yang lumapit sakin at ilang inches na lang mahahalikan na talaga n'ya ko. "Akala n'ya magiging asawa kita kaya hiniwalayan n'ya na 'ko."

Pero bakit feeling kong wala man lang naman syang pake-alam? Ewan.

Ngumiti sya ng nakakaloko at ilalapit na talaga ang labi niya sa labi ko.

I smiled sweetly.

"Alisin mo yang pagkakalapit ng mukha mo sa'kin, baka kase hindi ako magdalawang isip na suntukin yang mukha mo ng mabawasan ang kayabangan mo," seryoso kong sabi sakanya.

Tumawa siya at lumayo nga sa akin. Nahiga siya sa damuhan at nilagay ang dalawa nitong kamay sa likod ng kaniyang ulo. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Tinuloy ko ang aking pagbabasa ngunit hindi ako makapagbasa ng maayos. Tinignan ko siya. Natutulog na ba siya? Kasi kung ganoon ay iiwan ko na siya rito.


Tumayo ako at pinagpagan ang uniporme ko. Minulat niya ang kaniyang isang mata at agad na umupo. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nahawakan ko ang dibdib ko.


"Hmm... You can't concentrate while I'm here..." I rolled my eyes nang narealize kong iba ang nasa isipan ng taong ito. Hindi pwedeng aalis lang kasi nawala na iyong mood ko?


"Excuse me? Aalis ako kasi iyon ang gusto ko." sabi ko sakaniya.


"Sus. Hindi mo lang makayanan ang presensya ko e," aniya.


"Oo. Maalat ka kasi sa mata tignan."


"Kunyari ka pa." natatawa niyang sabi at tumayo na rin.


Tinignan ko siya ng masama. Tumawa siya lalo habang sinusundan na ako.


"Ganito ba talaga sa school na 'to? Ngayon lang nakakita ng poging katulad ko? Tsk tsk tsk, ibang klase." mayabang niyang sabi. Hindi ko alam kung second name ba niya ang hangin o makapal.


Napatingin naman ako sa mga estudyanteng nagdadaanan at yung iba pa ay tumitili na may kasamang bulungan at hampasan. Sarap tadyakan ng mga malalanding 'to. Akala mo naman nakakita ng artista.


Nag ikot ako ng mata at tinaasan ng kilay ang mga babaeng ito. Napanguso naman sila at lumayo layo ng konti.


"Are you jealous?" tanong niya at tinabihan ako sa paglalakad.


"May sayad ka ba? Bakit ako magseselos ni hindi nga kita gusto?" iritang sabi ko sa kaniya.Bwesit na 'to. Nakaka high blood yung kayabangan.


Habang naglalakad kami papuntang gate ay nahuhuli na siya sa paglalakad ngayon. Napapansin ko ring rumarami ang napapatingin na mga babae sa akin---sa akin ba? Huminto ako at nilingon siya na nasa likod ko. Nakita kong seryosong nagta-type siya ngayon sa kaniyang phone na para bang wala siyang pake sa paligid niya.


"Alam mo bang ayaw na ayaw kong nababaling sakin ang atensyon?" Napaangat ang tingin niya sa akin pero ibinalik rin sa phone niya.


"Talaga?" walang ka inte-interesado niyang tanong sa akin.


"Oo! Talagang talaga. Kaya pwede bang huwag mo akong sabayan maglakad? Okay lang naman sigurong magcommute ako, 'di ba? Hindi ko naman siguro ikakamatay?" sarkastiko kong sabi.


"Sure. May dadaanan rin kasi ako," sagot niya parin sa akin na hindi man lang ako tinitignan. Napaawang ang labi ko sa hindi pagkapaniwala.


"Grabe. Ang busy mong tao."


Inangat niya ang tingin niya at ngumiti sa'kin. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga babaeng nasa taas ng building. Halos nasa bintana nga lahat eh. Inilagay niya sa bulsa niya ang phone niya at nilapitan ako. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya.


"Alam mo malditang flat boobs, di kita maintindihan. Kanina ayaw mo kong kausap, eh bakit ngayon ayaw din kitang kausap, naiirita ka na para bang umaakto kang girlfriend kita." kunot noo nyang tanong sakin.

Excuse me?! Bakit ang lakas ng apog ng taong ito?


"Alam mo ring mayabang na hayop ka. Hindi mo ako girlfriend at hindi rin ako flat boobs!" sigaw ko sakanya.


"Hindi ko naman sinabing girlfriend kita? Bakit iba yung sinasabi mo d'yan? Aminin mo na malditang flat boobs. Crush mo ko 'no?" natatawa niyang tanong. Bwesit talaga ang mayabang na 'to.


"Alam mo bang hindi kita maintindihan?! Pinapalito mo ako eh! Ewan ko sa'yo! Baliw!" maglalakad na sana ako pero nagsalita nanaman sya na ikinairita ko.


"Magulo talaga ang love." natatawa nyang sabi sakin.

"Magsalita ka pa. Malilintikan ka na." banta ko sakanya.

Hindi pa natinag dahil nagsalita pa nga ito.

"I love you babe, say I love you too to your babe." ginaya nya pa yung ibang boses sa pananalita nya.

Ngumiti naman ako sakanya.










"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. FCK YOU BABE!" malambing kong sabi. Saka naglakad na.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon