Chapter 13
Isang oras kong tinitigan iyong wedding invitation na iyon. Hindi ko alam kung pupunta ba ako doon o hindi? Talagang inimbitahan pa niya ako sa kasal nila! Atsaka seryoso nga silang magpapakasal agad sila! Nang ganito ka aga?!
Alam kong 21 years old na si Dave pero 19 years old pa lamang si Reeca! Nababaliw na ba sila? Payag ba si Tita dito? At bakit? Dahil mahal nila ang isa't isa? O, nabuntis ba siya ni Dave?
Nasamid ako sa sariling laway sa aking naisip.
Napatayo ako sa kinauupuan ko nung marinig kong may nagdo-doorbell na naman. Ano na naman ba? Huwag mong sabihin nandito rin sila?
Pagbukas ko at nakita kong nakatayo sa harap ko ang apat kong mga kaibigan.
"Anong ginagawa niyo dito? At gabi na para pumunta dito, ah?" takang tanong ko.
"H-Hoy, Mrych! Ikaw una magsabi! Diyan ka naman magaling!" sabay tulak ni Nine kay Mrych.
"Hala! Bakit ako? No way! Ikaw nalang Nica! Mahilig ka namang mang agaw ng kwento eh!" sabay tulak ni Mrych kay Nica.
"Bakit nanunulak ka? Atsaka hindi kita inaagawan ng kwento! Ang tagal mo lang ikwento kaya nakakairita ka!" sigaw ni Nica pabalik.
"Pumunta ba kayo dito para mag away at magsigawan?" walang gana kong tanong. Dahil kung ito lang ang ipinunta nila ay handa akong pagsarhan sila ng pinto. Wala ako sa mood para makisabay dahil sa nangyayari sa akin ngayon.
"A-ako na nga lang!" sigaw ni Jhezz. "A-ano... PWEDENG MAKI-KAIN?" ngiting ngiti n'yang sabi. Anak ng tokwa! Makikikain lang pala tapos nagtulakan pa.
"Walang pagkain dito. Sa kapitbahay kayo makikain. Distorbo!" isasara ko na sana yung pinto nung bigla nagtulakan silang pumasok. Ang kakapal ng mukha nila. Grabe!
Habang kumukuha ako ng junkfoods sa food cabinet ay napansin kong nagbubulungan sila mula sa sala kaso hindi ko nga lang rinig.
"Malalaman at malalaman din naman niya iyon ano!"
"Eh si Hero? naisip mo rin ba ang kanyang hot body? Ang kanyang yummy 6 pack abs? Baka kapag nalaman n'ya, baka gahasain n'ya ang poging si Hero!"
"Oa na ha, oa na."
Lumapit ako nang makarinig ng kaunti sa usapan nila.
"Anong malalaman ko?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanila.
"H-Huh? W-Wala naman," sagot ni Nica. "'Diba? 'Diba?" tumango nalang silang tatlo nung pinanlakihan sila ng mata ni Nica.
Nilapag ko iyong tray na may mga junkfoods at nag-indian seat sa malaki kong swivel chair. Tinignan ko sila isa isa.
"Isa," agad agad silang napayuko.
"Dalawa," hindi pa rin sila kumibo.
"Tat—"
"SASABIHIN NA!" sabay nilang sigaw.
"Ang sarap mong murahin! Kung hindi ka lang namin love! Naku!" tinapunan ko ng unan si Nica. Natawa tuloy ako.
"Good. So, ano ngang meron?" nakangiti kong sabi habang hinihintay ang sagot nila.
"S-Si Hero kasi..." pabitin na sabi ni Nine.
Nawala iyong ngiti ko. "O, tapos?" takang tanong ko.
"Sumama ka na lang sa amin!" sigaw nila at hinila na ako sa kinauupuan.
"Saan naman?" taas kilay kong tanong habang nagpapahila rin sa kanila.
"Basta!"
"Alam mo bang nagmukha kang astig na gangster sa suot mo? All black ka at talagang panglalaki iyong damit mo. Mabuti nalang at naka-jeans ka na hindi black." nakangusong sabi ni Mrych.
BINABASA MO ANG
Ang Pogi kong Gwardya
Teen FictionPUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utusan." Bored na bored niyang sabi na nakahiga pa talaga sa kama ko. Ang walang-hiya. "I hate you!" H...