Chapter 14
"Sige na naman!" Hindi ko na alam kung ilang minuto ko nang pinipilit ang baliw na iyon! Hindi man lang mautusan! "Hoy, Hero! Ano? Buhay ka pa?" sigaw ko ulit. “Leche ka! Maliit na bagay lang naman iyon! Bakit ang overreacting mo?!" sigaw ko pa rin.
"Tingin mo ba madali lang iyang pinapagawa mo sa akin? Sikat ako Jamaica, paano kung ma-rape ako sa labas?" napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Napaimpit ako sa sakit ng puson ko. Masakit na masyado iyong puson ko, lalo na at hindi ako masyadong nakakain kanina! At talagang ngayon pa ako minalas! Maghahating gabi na!
"Tumingin ka nga sa salamin! Hindi ka kagwapuhan! Maliwanagan na sana iyang langgam mong utak!" Napamura ako ng maramdaman ko ang sakit ng likod ko. Ikakamatay ko yata ito.
"A-Alright... I told you to drink your medicine first. Nasaan ba mabibili iyan?" Muntik na akong matawa nang pabulong lang siya kung kausapan ako. Alam ko namang nakakahiya talagang bumili ng isang napkin, ni ako nga mahihiya din kapag bumili noon. Hindi ko dapat ikinakahiya iyon pero ewan ko kung bakit ako nahihiya sa ganoon ka liit na bagay.
“Sa 8-Twelve mayroon doon, Hero. Can you please hurry up? I want to go home...” I said in a little voice. Ininom ko naman ang gamot na ibinigay niya pero kailangan ko yatang kumain para maibsan ang sakit nito.
Hindi ko na siya narinig na sumagot kaya siguro ay nakaalis na ito. Damn! Ang hirap talaga utusan ang isang iyon. Sobrang arte. Kaya naman pala hindi nagpapautos kasi mas mayaman pa pala ang baliw na iyon kaysa sa akin.
Muntik na akong mapasigaw sa sobrang sakit ng puson ko pero hindi ko na magawang magmura nang may narinig akong may pumasok sa loob ng restroom. At dahil nga nasa loob ako ng cubicle. Kailangan ko nalang tumahimik dahil baka ano pang isipin ng mga tao.
Hindi na ako nabigla na lalaki iyong pumasok dahil restroom ito ng mga boys. Bakit ako andito? Hindi daw kasi makapasok si Hero dahil binuhat niya ako papunta rito. Akala mo naman ikakamatay ko talagang magka-menstration. Siguro sa dysmenorrhea, oo.
"So, you are jealous?" Iyon ang una kong narinig nang may pumasok sa loob.
"You are really determine to know the truth, huh?"
“So, you are...”
“This is why it is best for you to not talk, Tristan. You piss me off everytime you open your mouth,”
“Thanks,” I almost laughed. This guy is savage. “But you messed up, dude... Kahit anong gawin mo, second lead parin ang dating mo.” The savage guy said in a lazy tone.
“Mas makakabuti pa yatang matulog ka nalang. Mas may kwenta ka pa sa mundo.”
“That's actually what I’ve been thinking right now,” He answered.
Narinig ko namang natawa iyong isang lalaki. Maya maya ay lumabas na sila base sa pagbukas-sara ng pinto.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng cubicle ngunit nakarinig ako ng pag agos ng gripo. Napaatras ako nang malamang may tao pa pala. Kinabahan ako ng marinig ang yapak ng paa nito na palapit sa aking cubicle.
"May tao ba diyan?"
■HERO POV's■
What is napkin, anyway?
BINABASA MO ANG
Ang Pogi kong Gwardya
Teen FictionPUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utusan." Bored na bored niyang sabi na nakahiga pa talaga sa kama ko. Ang walang-hiya. "I hate you!" H...