Chapter 3

213K 6.4K 733
                                    

Chapter 3

"Miss Lemme, kahit mayaman ka o marami kang pera, please, don't disrespect your teacher. Lalo na at sa harap harapan pa ng mga kaklase mo." Pangangaral ng dean sa akin.

"Are you saying that I can disrespect her when my classmates are not around?" Nakataas ang kilay na tanong. I scoffed. "You know, it's not about the money, Mrs. Avid. I told her to stop telling stories because it was really unnecessary. I am here to learn and not to hear those kind of crap." saad ko habang iginagalaw ang swivel chair.

Napailing nalang siya.

"Kayo kayo na nga lang mga babae ang narito, nagkakagulo pa kayo." aniya at saka uminom ng kape.

"Bakit pa kasi hinati ang boys and girls? Para saan?" tanong ko kahit na hindi naman kuryuso.

All girls kasi ang paaralan ko at sa kabilang paaralan ay all boys naman. Iisang eskwelahan lang sila ngunit hinati lamang.

Tumayo na ako pagkatapos naming magusap.

"Have a nice day, Miss Lemme." anito.

"Yeah." I answered lazily.

Palabas na ako ng gate ng makita ko ang mayabang na gwardiyang iyon na nakasandal sa kotse niya.

Kita nyo na? Mayaman pala ang yabang tapos nag-apply na maging gwardya. Kamusta naman?

Naglakad siya palapit sa akin. Kakausapin na sana niya ako nang may biglanv tumawag sa kaniya.

"Who's this? Jennie? what happened... shit! Sabi na sayo eh!" sabay end call nya ng tawag.

Kitang kita ang pagaalala sa mukha niya ngunit nang mapansin ang reaction ko ay nawala na iyon.

"Get in." aniya at nauna nang pumasok sa kaniyang kotse.

What? Hindi niya ba talaga ako pagbubuksan? Hindi ko alam kung ano talaga ang maitutulong ng lalaking ito. He's not even a professinal guard! He's a complete jerk.

Tumayo lang ako at hindi nagawang pumasok sa loob. Binuksan niya ang glass window at kinunotan akl ng noo.

"What? Aren't you going to get in?" He looked pissed.

I raised my eyebrow. "Why don't you open the door for me, then?" Masungit kong hamon.

"You are really..." Lumabas na siya ng pinto at pinagbuksan na niya ako.

"Oh, wow. Good thing you listened. Kung hindi, patatalsikin na talaga kita." ani ko at pumasok na.

Nang makarating kami ng bahay ay bumaba na agad ako. Sumunod naman siya. Papasok na ng gate nang tumigil siya at magsalita.

"I have to go somewhere. Lock the door and be safe." aniya.

Hindi ko na siya pinansin pa at sinara na nga ang gate. Sinundan niya parin ako ng tingin. Nang makapasok ng bahay ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi pa naman ako marunong magluto at wala rin akong balak matuto.

Nahiga ako ng panandalian sa sofa. Napatayo lang dahil gutom na gutom na talaga ako. Binuksan ko ang fridge kung may luto na bang pagkain sa loob nito. Napansin ko agad ang maliit na tupperware na kulay itim sa baba at pula naman ang pantakip nito. Kinuha ko iyon para ma-check.

Umupo ako sa upuang nasa countertops. Nilapag ko ito at binuksan na ng diretso.

"Oh, wow!" Sigaw ko sa tuwa.

May pagkain nga rito at halatang bagong luto pa dahil medyo mainit ito. Kumuha ako ng kutsara at tinidor. Oh God! Gutom na gutom na talaga ako! Sana pala kumain ako sa labas kanina bago umuwi.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon