Chapter 6

151K 4.8K 315
                                    

Chapter 6

For some reason, I don't feel quite good about them thinking that I have a feelings for that guy, so I ended up calling Nica... but she wasn't answering her phone that's why I called Nine instead.

"Yes, hello?" Bungad ni Nine.

"Si Nica, nasaan? Ibigay mo sa kaniya ang phone mo."

"Bakit?" Napapikit ako ng mata panandalian.

This is why I don't really wanna call this dumbass bitch 'cause she's such a dumbass.

"I don't know? I'll probably kidnap her or something? What do you think?" I just sarcastically questioned her.

"You're gonna- what?"

Oh, but I don't think I can do this so I need to spit this out.

"'Di ba syempre tanga ka? Sabi kong ibigay mo sa kaniya ang phone mo kasi tumatawag ako ngayon, e'di obvious na masyadong kakausapin ko siya, 'di ba, tanga? Naiintindihan mo na bang tanga ka?"

"Aba, sorry naman!" sigaw niya sa akin pabalik.

Naririnig ko na ang padabog na yapak niya at maya maya ay narinig ko narin ang boses ni Nica maging sila Mrych.

"Uhm... ibibigay ko ba?" takang tanong n'ya.

"Hindi ko masyadong sure. Bakit? Ayaw mo bang itapon nalang?"

"Hoy, Nine! Si Maica ba 'yan?" Boses ni Nica iyon.

"Yeah, and she's—"

"Hello, Maica? I called you back but the line was busy so I wondered who you were calling and..." She stopped talking and chuckled when she realized I was irritated. "I bet you are stressed out right now, huh. Bakit kasi si Nine ang tinawagan mo. Hmm, ano ba 'yon?"

I rolled my eyes. Just listening to her chuckling pisses me off.

"What's with your text messages?" I asked without hesitation.

"I knew you'd call me!" Tumawa siya.

"Not funny, Nica."

"Oh! It is funny! Tumawag ka kasi may pake ka! It's bothering you, isn't it? You're not the type of person that would call us for nothing. You know what, Maica? It's okay. Ganyan talaga ang love. Alam kasi namin 'yang nararamdaman mo. Kanina ka pa namin napapansin sa sinehan na nakatingin ng masama sa babae niya. Selos lang iyan!"

I bet they are enjoying this.

"Will you shut up? Naririnig mo ba ang sarili mo? I have a boyfriend, Nica."

"Akin na nga yan!" sigaw ng nasa kabilang linya.

"Ano naman ngayon kung may boyfriend ka? You aren't even contacting each other for about 3 or 4 months now! Goodness! Is that what you call relationship 'cause I don't want that shit! At saka hindi mo naman siya jojowain. Lalandi ka lang ng konti!" Tatawa tawang sabi ni Mrych.

"You bitches are fucking disgusting. If only you guys are in front of me, I would have slapped you hard." Banta ko.

"Crush lang nga sabi! And yeah, alam naming magagalit ka kaya sa text namin sinabi!" Nagtawanan sila sa kabilang linya.

They are always like this but I can't still get used to it. Everytime I talk to guys they would instantly think that I like them or I'm starting to open up. That's bullshit. And I know that they were just teasing me pero hindi ko parin talaga masakyan ang trip nila.

"True, true. Wala namang mali. Atsaka kung—kung lang naman ha. Kung maiinlove ka sakaniya, sinasabi ko sa iyo! Magisip isip ka! Tirahin mo na!" Nagtawanan sila sa kabilang linya.

Maiinis na sana ako ngunit natawa ako sa sinabi niya.

Huminto na ang sinasakyan ko sa tapat ng bahay namin. Ibinigay ko na sakaniya ang bayad ko. Hindi ko narin kinuha ang sukli at lumabas na.

Pinindot ko ang passcode ng gate at pumasok na. Noong bubuksan ko na ang pinto ay biglang hindi ko ito maitulak. Hindi naman pwede iyon? Pinagsarhan niya ba ako mula sa loob?

Sumilip ako sa may bintana at nakitang may paa roon. Inayos ko ang pwesto ko at sinilip muli.

Si Hero ba 'yan? Bakit siya diyan natutulog sa pinto? At ang lakas ng loob na harangan akong makapasok?

Napaisip ako ng magandang gawin. Napangisi ako bago hinawakan ang doorknob.

"Haay!" Tinulak ko nang pagkalakas lakas ang pinto. Halos narinig ko ang mura niya mula rito sa labas. Pumasok ako na parang walang maling ginawa. "Oh, my! Andiyan ka pala?" Nagaalala kong tanong.

Tumayo siya at humikab. "Saan ka nanggaling?" Nakita niyang madilim na sa labas kaya nilingon niya akong muli. "Gabi na. Bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong niya pa ulit na para bang pinipigilan niyang pagalitan ako.

"Kailangan ko pa bang sagutin lahat 'yan?" balik tanong ko sa kaniya.

"Sabi ko. Saan ka galing?" kalmado pero cold nyang tanong na parang kailangan kong magpaliwanag sakanya.

I laughed sarcastically.

"Nakauwi ako na walang sugat kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag sa'yo."

Huminga siya ng malalim. "Kumain ka na ba?"

"Hindi ako gutom," sagot ko at naglakad na sa hagdan.

Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko nang sobrang higpit!

"Kailangan mong kumain," kalmado niyang sabi ngunit kitang kita ko sa mata niya ang pagpipigil sa lahat nang gusto niyang sabihin.

"Hindi na kailangan." sambit ko at inalis ang kamay niya. "And please... hindi ko naman talaga ginustong may gwardiya ako kaya pwede bang umakto ka na lang rin na wala ako rito? Let us mind our own business."

"Ano pa at naging gwardiya ako kung maging ang gawain mo ay wala akong alam," sagot niya sa sinabi ko. Nilapitan niya ako. Nakikita ko na ang galit niyang mga mata mula rito. "And your grandma wants to know everything about your business, Jamaica."

Iritado ako nang marinig ang sinabi niya. Hinarap ko siya at sarkastikong ngumiti.

"Ah... si tanda ba? sabihin mo sakanya na nakipagsex ako sa mga jejemon na gangster sa kalye kaya wag na s'yang magaalala, okay?" saka ako naglakad papuntang kwarto. Pero bago pa man ako maglakad palapit sa kama.

Hinila na niya ang braso ko kaya napaharap akong muli.

"Ano ba?! Can you stop touching me? Stop dragging me and stop talking to me!" Hindi ko na napigilan. Nasigawan ko na talaga siya. Nakikita na niyang wala ako sa mood pero iniinis parin niya ako! Why is he triggering me?! It's making me mad even more!

Nagmura siya sa harap ko at binitawan ako. Kitang kita ko rin na naiinis na rin siya.

"Why," He paused, trying to calm himself.

Lumapit siya sa akin at hinawakang muli ang braso ko. Hindi ko natanggal iyon dahil sa diretsong tingin niya sa mga mata ko.

"Why would I stop if I like doing it so?" seryoso niyang tanong na ikinatigil ko.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon