Chapter 4

184K 5.4K 391
                                    

Chapter 4

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. Doon ko napagtanto na hindi niya dapat makuha ang first kiss ko.

Sasampalin ko na sana siya ngunit naka-ilag siya sa ginawa ko. Inangat ko ang kabilang kamay para masampal siyang muli subalit pinigilan niya parin iyon. It was like he knew I'd do that! Ngayon ay hawak-hawak na niya ang dalawang kamay ko!

"I was just kidding," Binitawan niya ang mga kamay ko sabay pitik niya sa noo ko. "Naniwala ka 'no?" He chuckled.

Lumayo na siya sa akin at naglakad na patungong hagdan. Nilingon naman niya ako na hindi parin makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Your food is done. Kumain ka na. Nagugutom ka 'di ba?" tanong niya.

Napakurap-kurap ako. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at naglakad patungong fridge.

"Nawalan na ako ng gana," saad ko at nagsalin ng tubig sa baso.

Pagkatapos kong uminom ay ikinagulat ko pa na hindi siya umakyat agad ng kwarto kaya inunahan ko na siya. Magkaharap lang kami ng kwarto dahil iyon lang naman ang kwarto dito sa bahay na ito.

Bago pa man ako makapasok sa sariling kwarto ay napatigil ako sa presensya na nasa tabi ko. Nilingon ko siya.

"What? Do you need something?" Mataray kong tanong sa kaniya.

Nakapamulsa siya habang malalim akong tinitignan. Napalunok ako sa hindi pagiging komportable sa ginagawa niya. This is really awkward.

Maya-maya pa ay tinalikuran niya na ako. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya at nilingon akong muli. Natigilan ako sa sinabi niya kaya't hindi ako nakasagot.

After he said those words, I was left dumbfounded. He closed his door loudly it made me close my eyes! At hindi pa nakuntento ang yabang dahil dinalawa pa iyong pagsara niya ng pinto! That jerk!

Ilang minuto na yata akong nakatayo rito at nasa pinto niya parin ang tingin ko. Biglang nag-echo 'yung sinabi niya sa akin.



"Akala ko ba nagugutom ka? Tch, nag-effort na nga akong lutuan ka tapos bigla biglang nawalan ka ng gana? Ano 'to, gaguhan? Bwesit!"

-

Habang nakahiga ako sa kama ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Nakaka-guilty tuloy. Hindi ko man lang na-appreciate iyong effort niya.

Ew! Bakit naman ako magui-guilty?

Naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko. Nagugutom na talaga ata ako. Kanina ko pa pinag-iisipan na kumain pero wala naman akong kakainin? Ayoko namang kainin 'yong luto ng buddy na 'yon dahil baka mas lalong mairita.

Nawalan na ako ng choice kundi ang tawagan na lamang iyong dalawa kong kaibigan na alam kong hindi busy ngayon. Tutal maaga pa naman at alas dos pa ng hapon. I dialed Nica's number to call her. I was about to say hello but the first thing that I heard was the noises on the other line.

I lazily grunted. "I'm hanging this call up," As I was about to hang up the call, she hastily told me to stop from doing it. So I did.

"I'm sorry, Maica! They were so loud that I had to go to the bathroom so I could hear you talking." She explained.

"No, it's okay. Where are you anyway?"

"Nasa bahay lang. I'm with Mrych right now but she's still eating. Ikaw? Nasaan ka?" Medyo maingay parin kaya hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya.

"I expected that anyway. Punta kayo dito sa bagong tinitirahan ko because I have something to tell you. I'll text the address, okay?"

Matapos naming mag usap ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Medyo nawala na rin iyong gutom ko. Medyo lang.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon