Chapter 11
Hindi ako makahinga. Bigla akong natigilan sa aking kinatatayuan. Naging blanko ang paningin ko ngayon at parang tambol ang aking puso dahil sa bilis ng kabog nito.
Unti unti niyang inalis ang labi niya sa akin at inalalayan ako. Bigla akong nagising sa katotohanan at itinulak siya. Wala akong lakas kaya mahina lang iyon.
Did... Did we just... kissed?!
"H-Hero?" Naagaw ng pansin ko ang gulat na mukha ni Reeca. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Hero. Bakit niya kilala si Hero? "Shawn Hero Lopez?" gulat na gulat pa rin ang kaniyang ekspresyon. Ano bang meron kay Hero? Bakit ganiyan siya kung umakto?
Tumango lang si Hero na halatang hindi nagustuhan ang pagkausap sa kaniya ni Reeca. May inilabas na ballpen si Reeca at halatang may hinahanap pa sa bag niya. Pero bago iyon ay biglang kinuha ni Hero ang kalo ng isang lalaking nakatingin rin sa kaniya.
Kitang kita ko ang pagka-gulat ni Reeca sa mga oras na 'yun, na para bang nakakita ng artista. Hihilahin ko na sana si Hero pero bigla n'yang kinuha yung sun glasses ni Dave.
Wala parin akong maintindihan pero hinarap na ako ni Hero sabay buhat sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na magawang pumalag dahil wala na akong lakas.
What's happening here? May kailangan ba akong malaman?
Andito kami ngayon sa RV Bridge. Hindi pa rin ako maka-get over sa halik n'ya sa'kin.
But I'm trying not to mind it. Hindi na importante 'yun. Ang importante dito ay pinagtaksilan ako ng boyfriend ko at pinsan ko.
Bumaba ang tingin ko sa mga taong nasa baba.
"Tumalon kaya ako dito?"
Maraming mga couples dito at mukhang ang saya saya nila. Nandiri ako bigla.
"Maghihiwalay din kayo. Nakita niyo iyong nangyari sa'kin kanina? Aba, inagawan ako!" sigaw ko mula rito.
Tumingin ako kay Hero.
"Hey buddy, bakit mo nga pala ako hinalikan kanina?" nakita kong umiwas s'ya sa'kin. Tinititigan ba n'ya ako kanina?
Nakatagilid ang mukha niya sa akin subalit kitang kita ko na nakakunot ang noo nito and he's licking his lips.
Bigla n'yang tinakpan yung mukha n'ya. Anong nangyari sa kanya?
"Okay ka lang?" tanong ko saka pinipilit siyang ipaharap sa'kin. "Nahihiya ka ba sa ginawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Pulang pula ang kaniyang tainga at sa kabila ang tingin niya.
"Why would I?" balik tanong niya sa akin, iritado. "Nagsisi lang ako."
Hinampas ko siya sa sinabi niya.
"Wala ka na talagang magandang sasabihin."
Tumayo ako ng maayos at nakitang may naghalikan na couples mula sa baba. Itinaas ko ang aking kamay at huminga ng malalim.
"TANG-INA N'YO! WALANG FOREVER ULUL!" sigaw ko saka tumawa.
"What are you doing?" Hinila ako ni Hero pababa. "Are you trying to kill yourself just because you got dumped?!" iritadong sigaw niya.
Tumawa ako sa sinabi niya. Yeah, I got dumped. Iyon ang mga salitang dapat kong itatak sa isipan ko. At hindi lang iniwanan, pinagpalit pa sa pinsan ko. Ganoon naman talaga. Kung sino ang lagi mong makakasama kahit tali kana, may magugustuhan ka paring iba.
Inabutan ako ng panyo ni Hero. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ano 'to?" tanong ko.
Napakagat siya ng labi at nilapitan ako. Pinunasan niya ang pisngi ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na iiyakan ko iyon. Na iiyak ako dito. Na iiyak ako na hindi ko man lang namamalayan.
"Were they even worth you tears?" kunot noo niyang tanong. Umiling ako habang pinipigilan ang tunog ng iyak ko.
"N-No," napahikbi ako ng sagutin ko siya.
Nginitian niya ako at pinunasan parin ang umaagos kong luha.
"Then why are you crying?" It almost like a whisper. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Pinipigilan ko paring humikbi pero kusa itong naririnig kahit na nakasara naman ang aking labi.
"Am I not allowed to cry?" Nakakunot na ang noo ko habang umiiyak, tinitignan siya ng masama.
Napangiti siya habang patuloy ang pagaayos ng aking buhok at pagpupunas ng aking luha.
Kahit ano kasing gawin ko, kung pipigilan ko ang luha ko ay gustong gusto parin nitong bumagsak. Nasaktan ako kaya ako umiiyak.
"It's okay... Cry, wail, and weep it all out," seryoso niya akong tinignan. "But promise me and yourself that no matter what happens, no matter how much you've been hurt... think about the people who treasures you most. You are special, Jamaica. You are loved. And I want you to be happy..." mahinang ani nito. Masyado siyang sincere kaya napangiti na lang ako.
"You are annoying but why do you act so serious as if you are my boyfriend," ani ko at kinuha ang panyo sa kamay niya. I sniffed.
"Don't worry, if you just let me. I'm willing to court you." nagulat ako sa sinabi n'ya.
Is he trying to make me laugh with his lousy jokes again?
"'Di ka rin talaga nauubusan nang biro, ano?"
Tumawa siya ng mahina at tinignan ang mga couples na nasa baba.
"But it was not a joke though?"
Ngumiti siya sa akin na kita ang dimples niya. My eyes widened.
"Gulat na gulat ka d'yan? Ngayon ka lang ba niligawan ng poging katulad ko? Tch. Pogi Problems"
BINABASA MO ANG
Ang Pogi kong Gwardya
Teen FictionPUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utusan." Bored na bored niyang sabi na nakahiga pa talaga sa kama ko. Ang walang-hiya. "I hate you!" H...