Chapter 20: Kababalaghan

32 0 0
                                    

Chapter 20: Kababalaghan

Tanner's POV

Sila ba yon?

Bakit parang nasa computer sila. Para silang nasa projector at parang nag gi glitch sila.

Teka si lolo benedick ba yon? Bakit hawak niya si lizz?

Napansin kong hindi na tama ang nangyayare kaya ng may makita akong bato binato ko si lolo benedick at najackpotan ko siya sa ulo kaya napahawak siya at nabitawan si lizz.

Lizza's POV

Akala ko katapusan ko na ng biglang nabitawan ako ni lolo benedick. Agad siyang sinunggaban ni mike at pinagtulungan ng lahat.

Pero nagulat kameng lahat sa nakikita namin.

Bakit nandito si Tanner?

Patibong din ba siya.

"Tanner" sigaw at akmang tatakbo si jessie para yakapin si tanner. Pero pinigilan siya ng lahat.

Lahat kame ay naguguhulan kung dapat ba namin siyang pagkatiwalaan o hindi. Ano bang nangyayare?.

"Jess huminahon ka. Hindi tayo sigurado sa nangyayare" pakalmang sabi ni yandrei.

"Hindi kaya patay na ang kasama niyong yan" napalingon kame kay jason na myembro ng red warrior gang.

"Loko to ah" akmang manunontok si josh pero pinigilan siya nila jay.

Ayokong isipin na ganon nga pero may point siya. Dahil ganon si lolo benedick. Isa lang siyang patibong.

"Lumayo ka samin. Hindi mo kame maloloko, patibong ka lang!" Sigaw ni candy.

"Ano?guys ako to si tanner. May hinahanap ako at kayo ang nakita ko" sagot ni tanner na hindi ko alam kung paniniwalaan ko.

"Hindi ikaw ang kaibigan namin, lumayo ka!" Sigaw ni ky. Parang dinudurog ako. Bakit ganito.

"Guys" salita naman ulit ni tanner na talagang kinakaawaan ko.

Bigla siyang sinuntok at pinagsisipa nila mike at ng iba pa naming kasama. Samantalang kame. Wala hindi namin alam kung ano ba ang tama at mali. Bakit ganito? Naiiyak na ko...

Walang nagawa si tanner. At sa huling sandali nagsorry ako sa kaniya bago ako hinatak at inilayo sa kaniya. Naiwan siyang nakahandusay at walang malay sa gitna ng gubat.

Sorry tanner.

Tanner's POV

*ouch

Ansakit ng ulo ko at ng buong katawan ko. Piste puro ako pasa.

Bakit naging ganon ang grupo ang sakin.

Naguguluhan na ako.

Pero kailangan kong makuha yung baril. Kailangan kong makausap ang grupo at malaman kung anong mali.

Pero nasaan na ba yun?.

Kahit mahirap tumayo kailangan kong makita yun.

Sa kadiliman ng nilalakad ko may naaninag akong isang liwanag sa itaas. Akala ko'y isang ilay pero hindi. Nakatago siya sa dahon ng mga puno. Kailangan kong malaman kung ano yun.

Kailangan kong makaakyat.

Pero napakadulas ng punong to. At napakaputik ng ilalim.

So paano ako makakakyat dun?

Sinubukan kong itulak at alugin tong punong to at baka sakaling malaglag ang nasa itaas pero hindi.

Aha

Bato.

Kumuha ako ng bato at ibinato ito sa itaas.

*Mintis

*Mintis

*Mintis

*Mintis

Yesssss!

Teka ano to?

Kumikinang na papel na may nakasulat na

'If there's a mud, there's a secret harmful treasure. Put down your feet on the mud and you will found the treasure'

Mukhang sinuswerte ako pero kailangan kong maging maingat sa putikang ito.

Tinry ko umapak sa putikan at siyempre madumi at kadiri. Ng inilagay ko ang dalawang paa ko unti unti akong bumababa.

Ano to? Kumunoy?!

Kumakapit ako sa kahit anong pwede kong kapitan. Pero hindi ako maka alis kaya hinanap ko na lang gamit ang paa ko ang treasure na tinutukoy.

Ulo ko na lang ang hindi nailulubog ng kumunoy hanggang sa may naapakan akong kakaiba na nagpatigil ng pagpailalim ko. Ginawa ko makakaya ko para makuha yung kung ano man to pero dahil mahirap makawala sa kumunoy. Sinubukan kong ibaba pa ang kamay ko hanggang sa makuha ko kung ano man yun.

Nang mahawakan ko parang naging isang tubig na  lang ang kumunoy at kinaya ko ng ilabas ang sarili ko.

Ano bang kababalaghan ang bumabalot sa paaralang ito.

Sobra na kong na we weirdohan.

Pero napawi lahat ng pagod ko ng makita kung ano ang hawak ko...

Ang baril na hinahanap ko.

Kailangan ko ng makabalik sa field....

Sa paglalakad nakasalubong ko ang isa kong kasama at nakita niya ang baril na hawak ko.

Pinilit niya itong agawin sakin at biglang pumutok ang baril.

Teka......

Charson University Where stories live. Discover now