Chapter 12: Misteryosong lalaki

104 2 0
                                    

Chapter 12:Misteryosong lalaki.

Lizza's POV

'Anak,hindi mo ako sinunod,manganganib ka diyan'sabi ng isang boses na biglang nawala.tapos may lalaking na sa harap ko at hinagisan ako ng kutsilyo sa dibdib,tinamaan ako.

"Ahhhh" sigaw ko at napatayo,ano ba to?.

"Ok ka lng?" Tanong ni ky,tumango lang ako.

"Guysz" sabi ng boys sabay katok.

"Bakit?" Tanong ni jess.pero mukhang alam nnamin kung bakit.

"Ano yan?" Tanong ko.ng makita namin ang dalawang lalaking studyante na may hawak na,yung sa ambulansiya yung nilalagyan ng pasyente,at duon may babaeng tadtad ng saksak.

Nakakagulat to.

"Nagsisimula nanaman" sabi ng babae.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Taon taon may namamatay dito,alam naming sadya yun,at nagsisimula yun,tuwing november 1 wala kaming alam kung bakit nangyayari to" kwento niya.

"Bakit hindi kayo umalis?" Tanong ni Roch.

"Hindi na kayo makakalabas pa dito gaya namin,makukulong din kayo dito..walang daan dito palabas,pansinin niyo ang gate na dinaanan niyo hindi niyo na nakikita,sa sobrang laki ng school na ito,maliligaw ka muna bago ka makapunta sa gate at isa pa bago ka maligaw nabalik ka na sa dorm mo" sabi niya.

"Sa pagkwekwento kong to alam kong ako na ang susunod o kung di man,mamamaty parin ako ngayong taon,pero wala akong paki atleast bago ako mawala,may nabahagian ako ng alam ko dito,at mas gusto ko na rin yon" pagpapatuloy niya.

"Masyado na akong madaldal,pasensya na...Alis na ako" sabi niya sabay alis.

"Kinakabahan na talaga ako dito" sabi ni tann.

"Same lang tayong lahat"sabi ni jess.

'All students of CU gather all here in the field'sabi sa speaker.

***

" Good morning,alam kong nabalitaan niyo na ang nangyari sa Building F at alam ko ring natatakot na kayo,but sorry this is part of your school life"sabi ni Ms. P

"Para sa mga bago,tuwing november 1 merong 1 namamatay dito,at yun ang hudyat ng gulo,Dapat bago mag 7:00 pm nasa mga kwarto niyo na kayo,ang dinner niyo dapat niyong kunin pagtapos ng klase niyo sa dinning room niyo,paalala bawal ang lumabas ng room niyo dahil delikado,pero kung gusto niyo e di sige..."

"And yung mga isasama ko sa Underground school fighting pumunta kayo sa field tuwing 9:00pm,at kayo na rin ang tumapos sa mga lumalabas ng rooms nila,paghindi niyo tinuluyan alam niyo na saan kayo dadalhin" sabi ni Ms.P

"Saan yung pagdadalhan sa hindi susunod sa kaniya?" Tanong ni ky sa katabi niyang si candy,from Black Blood Gang.

"Ok Im gonna tell you but,were not friends ah...hindi rin namin alam kung saan yun at ano yun dahil kami dati pagmaynakikita kaming mga stupidyante na pakalat kalat tuwing ganong oras,tinutuluyan na lang namin para hindi nanamin maranasan kung ano man yun" mataray na sabi niya.

"Eh bakit kailangan niyo pang sundin,eh pwede namang hayaan niyo na lang di naman nila nakikita" sabi ko.

"Kahit anong tago at secreto niyo malalaman nila,ewan ko bakit, pero ganon talaga" sagot niya.

"bakit naman kaya ganito tong school na ito?" sabi ni ky na pabulong.

"aba malay ko,ang mysterio nga eh" sabi ko naman.

"Go Back to your rooms,because,you all know na walang pasok pag ika-isa ng oktubre"-Ms. P

***
" Guys labas lang ako,may kukunin lang sa labas"sabi ni john.andito kami sa room namin lahat,magsama sama daw muna kami,delikado kasi.mamaya dito daw sila matutulog ang o-oa kasi eh.

"ano namang kukunin mo?" tanong ni jess.

"kukunin ko phone ko sa room,naiwan ko eh" sagot niya.

"ok" sabi ni jess.tapos lumabas na siya.

"Guys nawawala yung necklace na bigay sa akin ni lola,hahanapin ko lang" sabi ko at akmang lalabas.

"samahan ka nanamin" alok ni jay at tumngo lang ako.

Hindi pwedeng mawala yun,yun na lang ang alaala ni lola sa akin,bingay niya yun bago niya mamatay at sinabi niya na pangalagaan ko yun dahil binili niya talaga yun para sa akin at ireregalo niya nung 10th birthday ko pero di na siya umabot kaya isang araw bago ang birthday ko binigay niya na yun at kasabay ng pagkalagot ng hiniga niya,hindi ko napansin na basa na pala yung pisngi,sobrang importante kasi sa akin yun.

"wag kana umiyak..mahahanap natin yun" sabi ni jay.nginitian ko lang siya at pinunasan ang luha ko.

"saan tayo maghahanap?" tanong ni jim.

"Basta nung nandun tayo sa upuan ky at kausap kita,alam ko na saakin pa"sabi ko.

" oo nga,nakita ko pa yun"sabi ni ky.

"so sa hallway sa field at sa dorm lang ang pwedeng nalaglagan nun" sabi ni roch.

"jir,ky at ako sa dorm,jim,roch and tann sa hallway at liz,jay,josh and drei dun sa field" sabi ni jess.tumango lang kami at pumunta na dun.

Hanap kami ng hanap pero wala,naiihi na ako.

"Guys CR lang ako" paalam ko.

"samahan ka nanamin" sabi ni jay.natawa ako.

"seryoso jay,sa cr"sabi ko.

" sa labas lang kami"sabi niya.

"wag na malaki na ako,kaya ko" sabi ko at tumango lang siya.

Pagdating sa Cr deretso ako sa isang cubicle kanina ko pa gustong mag-pee eh,tapos lumabas ako at humarap sa salamin at naghilamos.

"makikita mo rin yun lizz,tiwala lang" sabi ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng biglang magsara ang pinto.

"Jay,drei at josh wag kayo magbiro ah" sabi ko,malamang sila yun..pero biglang namatay ang ilaw.

"Di na nakakatawa ah" sabi ko tapos may naramdaman akong hininga sa tenga ko.

"Hi" sabi niya.di ako makagalaw kaya di ko siya masuntok.

Bigla niya akong pinaharap sa kaniya,di ko maaninag ang mukha niya pero lalaki siya.

At nagulat na lang ako ng may mahapdi sa braso ko tapos hinalikan niya ako,tinutulak ko na siya pero wala akong mas maraming lakas para itulak siya dahil nanginginig ang tuhod ko,mamaya ay kumalas siya.

"sino ka ba?" tanong ko pero walang sumagot at narinig ko ang pag bukas ng pinto sa likod ko,napaharap ako dun,at tumakbo para tignan kung sino yun,pero wala nang tao.haist

sino yung, Misteryosong lalaki na yun?.

Ang kapal ng mukha niya para kunin ang first kiss ko sa lips.mamatay ka na,kung sino ka man.

Pagbalik ko,nakaupo na sila jay sa bench at mukhang nagaalala.

"guys!" sigaw ko.

"Liz ano yan?" tanong ni drei sabay turo sa pisngi ko.hinawakan ko,may dugo.

"Liz ano ba,san ka ba nanggaling at anong nangyari diya...tara nga pumunta tayo sa clinic."kitang kita ang pagaalala sa kanilang tatlo pero mas kay jay.

" wag na sa dorm na lang"hindi na nakipagtalo si jay at sinamahan na lang nila ako sa dorm.Hindi pa rin nakita yung necklace ko.

Sorry Lola...

                    ****************
sorry po,kase yung mga naunang chapter ang gulo ng naming at hindi pa ayos yung mga typos,pero promise itong mga sumusunod na chapter ok na.

ngayon ko lang din po kasi nabasa eh.

words:1139(hindi kasama tong mga eng- eng ko ah)

Please follow me.....

Charson University Where stories live. Discover now