Chapter 13:same lang

110 4 1
                                    

Chapter 13:same lang

"Ano bang nangyari sa iyo at ganyan ang pisngi mo?" naiinis na natanong ni ky habang ginagamot yung pisngi ko,kanina pa kasi siya nagtatanong,actually sila hindi ko lang masagot.

"Liz ano ba,sumagot ka" sabay na sabay na sabi nila.

"ok ok" sabi ko sabay taas ng kamay ko na parang sumusuko na.pano ba 'to?

"kasi....ano....kasi" -ako

"ano liz?" taas kilay na tanong ni jess.

Inhale, Exhale..ang OA ko.

"kasi ganito,nagpunta ako sa CR dahil ihing ihi na talaga ako,tapos paglabas ko sa cubicle,habang nasa harap ako ng salamin biglang nagsara yung pinto akala ko sila jay lang na nagbibiro tapos biglang namatay yung ilaw tapos may hininga akong naramdaman sa tenga ko tapos sinabing 'Hi' then hinarap niya ako sa kaniya at may naramdaman akong mahapdi sa braso ko tapos....tapos.....hi-hi-hinalikan niya ako" buwisit talaga na lalaki yun,pagnaaalala ko nandidiri ako,baka pangit niya o pangit ang ugali at hindi ko siya kilala.Mamatay na talaga siya...

Ang first kiss ko sa lips.kasi ang first kiss ko sa pisngi sa jay,di naman sinasadya..

"WHAT!!!!!??!!!!" sigaw nilang lahat.

"Naiinis nga ako eh,kung sino man siya itaga niya sa bato papatayin ko siya,kunin ba naman first kiss ko sa lips,buwisit Ga** siya!" sabi ko,promise totoo to papatayin ko talaga siya.

"Dapat tinulak mo" sabi ni roch.

"pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas niya at nanlambot tuhod ko simula ng marinig ko yung boses niya"sabi ko,sabay yuko.

"Nakita mo ba itsura niya?" maitim na aura na tanong ni Jay,luh katakot.

"Hindi,sobrang dilim kasi" sabi ko.

"Resbakan natin yan" sabi ni Tann.

"Nako talaga,pagnakita ko siya" naikoyum ko na yung fist ko.

"dapat sinuntok mo" sabi ni jim.

"hindi ko nga alam sa sarili ko at hindi ko siya sinuntok,sa utak ko gusto ko na siyang karatihen pero sobra talaga akong nanlambot at di na nakagalaw" -ako.

"nung lumabas di mo nakita?" tanong ni drei.

"Drei,hindi ko siya nakita,paglabas niya sumunod agad ako pero pagtingin ko sa labas wala ng tao" sabi ko at nagmamaktol na ako dito.

"Basta,hahanapin natin yan" muli nanaman pong nagsalita ang lalaking maitim ang aura,si jay.

"wait,kanina pa si john sa labas pero wala pa rin?" tanong ni roch ng mapansin niyang wala si john.oo nga no.

"Baka nandun sa kwa----" di natuloy ni jir ang sasabihin ng biglang may kumatok.

"ano ba gra---" naputol din ang sasabihin ni jess ng makita niya kung sino ang kumakatok...sino ba yun?

"guys dali ,si john!" sigaw ni jess.

"ano ba--oh my gosh" sabi ni roch.

"john anong nangyari sayo?" tanong ko.

Yung itsura kasi ni John parang nabugbog,yung mata niya may black eye,pati yung braso niya sa kanan may pasa,yung bibig niya may dugo tapos yung pisngi niya may hiwa,hindi naman masyadong malala,medyo lang, talagang OA lang tong dalawa.

"Kasi kanina papunta lang ako sa room natin at kinuha yung phone ko,pero nagulat ako ng wala siya dun kaya lumabas ako,hahanapin ko sana dito kaso naisip ko na hindi ko nga nakita kanina dito sa inyo--ouch" angal niya ng masaktan sa paggagamot ni ky.

Charson University Where stories live. Discover now