Chapter 4: weird

199 4 0
                                    

Chapter 4: weird

Nandito na kami sa Market building na sinasabi ni Ms. Puenteberde,yes!miss pa po siya sa tanda niyang yun.

"Ma'am and sir ano pong kailangan niyo?"tanong ng babaeng nasa loob ng rehas na ito.yung parang sa mga sanlaan.

"Ano nga yung sasabihin?"bulong naman na tanong ni tann.di ko na siya pinansin at dumiretso na lang sa harap ng babaeng yun.

"Imak ogab"sabi ko sabay abot ng card na binigay sa amin ni ms. Puenteberde.

"Ah...please wait na lang po."sabi niya sabay alis.

"Yun pala yun"sabi ni tann.

"Guys ano ba yung 'imak ogab' na yun?"tanong ni jay.

"Pare-parehas lang nating hindi alam"sabi ko

"Pero parang 'imak ogab' pag binaliktad 'bago kami'"sabi ni jir,at may point siya dun.

"Oo nga"singit ni jim.

"Ammm...excuse me .ito na po yung uniform,gamit,at cellphone niyo"singit naman ni babae.

"I'm elaine at matagal na ako dito.and I have one thing need to tell you, pagsisisihan niyo na pumasok kayo dito..."sabi niya. "At ito na nga pala yung gamit niyo dito niyo kunin sa pinto."pagpapatuloy niya.ang bilis niya mag shift ng mode,in short ang weird niya.

"Weird"sabi ni roch.at talagang weird nga yun,anong ibig niyang sabihin.?

"Ito po yung uniform niyo,may pangalan na po iyan pati po cellphone niyo may pangalan na,pati po pala gamit sa school ,nandiyan na rin po yung schedule niyo at ito na po ang susi..."sabi niya sabay abot ng susi at ng lahat ng gamit,weird kase may name na siya.

"Each room consists of four students so since 11 kayo 3 kwarto ang sakop niyo sa isang kwarto ay 3 studyante lang so madadagdagan pa yun ng isa, kau ng bahala mamili ng makakasama niyo sa kwarto."pagpapaliwag ni ate elaine.

"Ito nga pala ang schedule kung anong oras ang agahan, tanghalian, at hapunan niyo, araw araw ganyan ang oras ng kain niyo.ang place na yan ay sa dining building.ang miryenda niyo ay sa canteen niyo kukunin at kakainin. Hindi Kayo palalabasin ng teacher niyo hanngat hindi pa oras ng miryenda, bawat room ay may alarm clock sa oras na tumunog yun oras na ng miryenda, kahit hindi pa tapos magklase ang guro niyo  pwede kayong umalis at ganon din naman kapag uwian. Ito mapa para hindi Kayo maligaw sa napakalaking school na ito."pagpapatuloy Niya. Pansin ko ang daming libre dito halos lahat libre. parang ibang bansa na kapag
tumunog ang clock uwian na at Wala ng makakapigil kahit teacher.

"Pwede na kayong pumunta sa mga kwarto niyo, bukas  pumunta na kayo sa mga klase niyo, ingat. "pahabol Niya.

"Salamat po"sabi ni Jim at tann tumango lang si ate elain tapos umalis na kami.

"Ang pormal naman ng uniform na to" sabi ni tann.Yung uniform kasi ng boys parang tuxedo din tapos saming girls ito ang liit ng skirt tapos blouse atsaka stukings.yung sapatos ng boys rubber shoes kaya isa lang sa kanila,ang pangit nun buwisit ano to conyohan?.tapos yung sapatos namin 2 isang may heels na black shoes at rubber.Tapos ngayon ko lang napansin na iba iba pala design ng blouse at skirt namin pati black shoes.

Sa tulong ng mapa nakarating naman kami sa mga kwarto namin.

"So sino sino magkakasama?"tanong ni jir, Oo nga.

"Syempre kaming mga girls magkakasama."sabi ni jess, oo nga naman.

"Sinong gustong makasama ako?"tanong ni tann.sabay  taas kamay niya. 

"Guys babayaran ko kayo kausapin niyo lang tong si  kuya tom"natawa naman kami sa sinabi ni jay, bigla naman sumimangot si tom na parang bata.

"Yah! Jay, I told you dont call me kuya its nakakatanda you know?!" Laughtrip tong  dalawang to. Nagkibit balikat lang si jay habang nakangiti Kay tann.

"Jir, kaming tatlo ni drei at Josh sa isang kwarto." Sabi ni john.

"Okay so kaming apat dito"sabi naman ni jir. Tapos nagpaalam na kami sa isat isa at pumasok sa mga kwarto namin.

"B's di ba kayo nagtataka?"tanong ko sa mga B's. B's ang tawagan namin ng grupo.

"Anong hindi, takangtaka na kaya kami"sagot ni ky sila rin pala  for sure pati ang mga boys.

"Misteryoso tong school na Ito"sabi ni roch.

"At gusto kong samahan niyo akong, alamin ang mali sa school na ito."seryoso kong sabi, pero gusto KO talagang malaman ang mali.

"Oo liz tutulungan ka namin peto matulog muna tayo may pasok pa tayo bukas"sabi ni jess, panira rin to eh.

"Alas 9: 00 pa naman klase natin at saka  7: 30 pa lang."sabi ni ky.

"Oo nga pala, patingin ng schedule."sabi ni jess sabat bangon.

Maganda tong kwarto namin napakalinis. May 2double deck na kama may 4 na kabinet, hind ka na magtataka kung kasya ang 4 na kabinet dito ang laki eh, tapos may 1computer at isang printer  may xeroxan na din, tapos may WiFi din, as in heaven pagnandito ka tapos bago pa mga phone namin at hindi lang bastabasta phone Zefron to no pero sa iba Iphone 7 sila,yung iba OPO F3s., May 32inch tv at may cable, DVD player at may airon pa, buti nga at ganito to kasi  kung pipitsugin lang to baka di kami tumagal dito.

Tanong KO, bakit sobra naman ata ang sosyal nito, lahat ba ng nagaaral dito galing sa mayamang pamilya?  at bakit andami naman ata nilang budget para maaford ang ganitong kaayos na mga kwarto sa lahat ng mga nagaaral dito? at libreng pagkain at kung ano ano pang mga kailangan ng bawat studyante.?.  Sobrang kataka taka na ito, kung kusang loob to hindi ako maniniwala, for sure may kapalit to.at yan ang gusto kong alamin.

Binasa namin yung papel.

Schedule of class:

Section Anturium(2)

9: 00-10:20.   Music and Dance Class      Mr. Reynaldo Agoncilio
10:30-11: 50   Algebra    Ms. Emilia Olivarez
12:00-12:50.       L. U. N. C. H.
1:00-2:20.       Grammar      Ms. Almah Del Rosario
2:30-3:50.         Biology     Mr. Enrique Estrada
4:00-4:40.     M.  I.  R.   Y.   E.   N.   D.   A.
4:50-6:20.    Self defense  Mr.  And Mrs. Lee

Uniform:
Music and Dance Class - PE Uniform.
Algebra Class - Pormal Uniform.
Grammar Class - Pormal Uniform.
Biology Class - Pormal Uniform.
Self Defence Class - PE Uniform.

Schedule of Eating:
Breakfast;
6:00-6:50.  Section:  1, 4, 7
7:00-7:50.  Section:  2, 5, 8
8:00-8:50.  Section:  3, 6, 9
:
Lunch;
11:00-11:50.  Section: 1, 4, 7
12:00-12:50.  Section: 2, 5, 8
1:00-1:50.      Section: 3, 6, 9

Miryenda;
3:00-3:40.  Section: 1, 4, 7
4:00-4:40   Section: 2, 5, 8
5:00-5:40.  Section: 3, 6, 9

Dinner;
6:50-7:40.  Section: 1, 4, 7
7:50-8:40.  Section: 2, 5, 8
8:50-9:40.  Section: 3, 6, 9

Plese follow.

Rules:
NO RULES

Enjoy studying to this school.
---

"B’s ang weird"sabi ni jess.

"yes.super weird"sabi naman ni roch.

"Diba gusto natin ng ganito,misterious"sabi ni jess.totoo naman eh gusto namin ng mystery pero,sobra kasi ang weird nito.

"Ang mystery minsan masaya,minsan scary"un na lang nasabi ko sa kawalan.

"Tama,at yan ang dapat nating alamin"napangiti na lang kami sa sinabini ky,at napagpasyahang matulog na.

Sa taas ako sa baba si Jingky, sa kabila,sa baba si jessie sa taas si Roch.

Charson University Where stories live. Discover now