sa pagdating ng araw na kailangan na nating bumitaw
ang mga kamay at paa ko'y hindi na maigalaw
ang pag tigil ng oras ang tangi kong hiling
upang manatili ka sa aking pilingsa gabing ilalapat ko na ang aking katawan sa kama
hudyat na ito nang pag bagsak ng aking mga luha
kailangan kong pakawalan ang mga luhang inipon sa matagal na panahon
upang matutunan na sa karagatan ay
umahonkung ang araw na ito ang magiging dahilan ng pagsuko
ikukulong kita sa mga bisig ko
hahayaang lumipas ang oras
hihintayin na sa ating dalawa'y mundo ay maging patas

BINABASA MO ANG
Tula mula sa mga tala
PoetryPain is filtered in a poem so that it becomes finally, in the end, pleasure.