Baka Sakali (03.17.2020)
Sa lawak ng kalangitan
Mga hindi pa natutupad na kahiligan
Kailan nga ba matutupad ang sana
Matutupad pa kaya?Simulan natin sa pag tugma-tugma ng mga salita
Baka sakaling sa susunod tayo naman ang pag laruan ng tadhana
Tulad ng mga salita dito sa tula
Baka muli tayong mag tugmaNakatingala muli sa kalangitan
Ibinubulong ang bawat sana, paano at saan
Mga simula na sana ay hindi winakasan
Dahil ikaw ang sagot sa lahat ng sana, paano at saanIhahalintulad kita sa mga bituin at nag-iisang buwan
Dahil ikaw nagbibigay buhay at liwanag sa oras ng kadiliman
Ikaw ang bituin na walang sawa kong pagmamasdan
At ikaw ang buwan na mahahalin ko kahit minsan hindi ka tanaw
Pero alam kong nakasunod ka sa bawat kong galawSimulan natin isa-isahin ang bawat hiling at katanungan
Sapagkat ayoko na itong ibulong na lamang sa kalangitan
Gusto kong marinig mo at lahat ng tao
Na kahit hindi sigurado
Paulit-ulit akong susugal sayo
Hanggang sa ito'y maipanaloSana ang salita para sa mga taong umaasa
O pwede rin naman sa mga humihiling na sana...
Sana'y napigilan ko ang kamay ng orasan
Baka sakaling wala tayo dito sa hanggananBaka sakali...
Hindi pa naman siguro huli
Pwede bang simulan natin muli?Sana'y hindi na ako bumitaw sa huling beses na niyakap mo ako
Yakap mong nagpapakalma sa magulong isipan ko
Sana'y pinilit kong pigilan ang mga hakbang mo palayo
Baka sakaling hagkan pa rin kita ng mga oras na 'toPaano..
Paano ko isusulat ang susunod na parte nitong piyesa
Kung hindi na makahanap ng mga salitang magtutugma
Sa kung paano mo nabigyang pag-asa
Ang buhay kong gusto na lamang ay matapos naPaano ako magsusulat ng panibagong piyesa
Kung sa bawat salita ay ikaw pa rin ang tugmaSaan..
Saan ko hahanapin ang susi sa aking nagsilbing tahanan
Tahanan na nagpakalma sa mga ingay sa aking isipan
Saan kita muling matatagpuan?
Sa pagitan ba ng ngayon at sa susunod na panahon?
Pagbigyan sana tayo ng tadhana kahit sa huling pagkakataonDahil baka sakali
Baka sakaling pagtagpuin tayo muli
At sa pagkakataong 'yon
Pipiliin na kita sa habang panahon
BINABASA MO ANG
Tula mula sa mga tala
PoetryPain is filtered in a poem so that it becomes finally, in the end, pleasure.