Abakada ng magmamahal ko sayo
A
alitaptap ka sa kalangitan
ikaw ang nagbibigay liwanag sa kadiliman
ang nag iisang katuparan
sa aking kahilingan
ang mga salita man ay maubos
kandila man ay mauupos
tandaan mong nandito lang ako
handang maging lakas mo
Ba
Balang araw ay mahahagkan mo na ako pag sapit ng gabi
mananatili akong sa'yong tabi
hanggang sa pag sapit ng umaga
ako pa rin ang iyong kasama
alam kong dadating ang araw na pinaka hihintay natin
tandaan mong ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin
dahil sa mga desisyon kong palyado
ikaw ang nag iisang sigurado
Ka
Kalaban man natin ang mapanghusgang mundo
hawakan mo lamang ang kamay ko
sabay nating haharapin ito
magkasama tayo hanggang dulo
Hindi tayo magpapatalo sa mga sasabihin nila
hinding hindi tayo bibitaw dahil lang sa panghuhusga
mahal, tandaan mo
mahal kita at sigurado na ako sayo
Da
dahon man ay nalalanata
boses man ay nauubos dahil sa pag kanta
tandaan mong mamahalin pa rin kita
sa oras na pakiramdam mo ay mag-isa ka
pangako
ilalaban kita hanggang dulo
kumapit ka lang sa mga kamay ko
hindi ko hahayaang saktan ka ng mundo
BINABASA MO ANG
Tula mula sa mga tala
PoetryPain is filtered in a poem so that it becomes finally, in the end, pleasure.
