Habang tahimik kang pinagmamasdan ang kisame
Habang yakap mo ang unan at nagkakape
May biglang ipapaalala sa'yo ang gabi
Ipapaalala niya ang matagal mo nang nalimot
Muli mong mararamdaman ang sakit at takot
Ibabalik niya ang tagal mo nang nawaglit
At hindi mo ito malabanan kahit anong pilitPaulit-ulit nitong ibubulong sayo
Ang mga salitang ayaw mo nang marinig pa
Gusto mong tumigil na siya sa pag kukwento
Pero patuloy pa rin siya
Pinilit mo itong 'wag pakinggan
Kaya't nakinig kana lamang ng musika
Natapos ang kanta at naalala mong muli ang paglisan niya
Huminga ka ng malalim at unti-unting tumulo ang iyong mga luha
Musika nga ba ang nakapag paalala sayo?
O hindi mo pa talaga limot ito?Taksil ang gabi
Dahil ito ang pinaka malala
Ikukulong ka niya
Sa pag-aakalang matagal ka nang nakalaya

BINABASA MO ANG
Tula mula sa mga tala
PoetryPain is filtered in a poem so that it becomes finally, in the end, pleasure.