Tula #05

18 0 0
                                        

Daungan - 04.10.2020

Pwede kang mapagod sa tao
Kahit na sabihin mong mahal mo ito
Pero 'wag mong kapaguran ang magmahal
Maaaring hindi nya napupunan ang mga bagay na gusto mo
At naiisipan mo nang bumitaw sa mga pangako
Maaaring hindi na siya ang dating nakilala mo
Maaaring hindi niya nakikita ang mga bagay na naiisip mo
Ngunit hindi dahilan ito ng pagsuko
Walang magiging sapat na dahilan para bitawan ang taong mahal mo
Hindi dahilan ito para tuluyang kumawala sa nabuo niyong mundo
Kaya pakiusap ; piliin mo pa rin siya
Kahit minsan ay ang gusto mo na lamang ay h'wag siyang tagpuin sa daungan niyong dalawa
Piliin mo pa rin uwian
Ang nagsisilbi mong tahanan at daungan

Maaari kang magpahinga
Wag kang mag dalawang isip na unahin ang sarili mo muna
Kung kinakailangan mong sandaling bumitaw ay bumitaw ka
Kung kailangan mong maglayag mag-isa ay maglayag ka
Kung kailangan mong magpahinga
Maglayag, maglakbay, kumawala
Ngunit siguraduhin babalik ka sa iyong daungan
Babalik ka sa taong nagsisilbi mong tahanan
Na kahit minsan ay nakakapagod na
Siya pa rin ang iyong pahinga
Pagtapos ng nakakapagod na maglalayag
Paglalakbay
May naghihintay sayo
Dahil nagmamasid siya sa pagbabalik mo

Maaaring hinahayaan ka nyang lumayo at makipagkaibigan sa pampang
Makipaglaro sa alon ng dagat
Na pakiramdam mo ay tinapon niya na ang lahat
Maniwala kang ipinagdarasal niya ang iyong kaligtasan
'Wag mo isiping hindi ka niya pinagmamasdan
'Wag mo isiping na ikaw ay kanyang hinahayaan
Binibigay niya lang sa'yo ang kailangan mong espasyo
Para sa iyong pagbalik ay maluwag na ulit ang mundo
At kasama mo na siya hanggang dulo

Hindi ka na masisikipan
Hindi ka na masasakal
At sa pagkakataong ito ay lalo mong makikilala ang pagmamahal
Na sa saglit na minuto ng iyong pagkawala
ay hindi mo pa rin kaya na siya ay mawala
Dahil kahit paulit-ulit kang makaramdam ng pagod
Alam mong hinihintay ka pa rin niya sa daungan
Handa ka niyang samahan sa paglalakbay na walang hanggan
Magtiwala ka muli sa kapangyarihan ng alon
Dalhin ka man nito sa nakakalunod na panahon
Pero asahan mong nariyan ang taong nagmamahal sayo
Hinihintay ka sa muling pagbabalik mo

Hindi siya perpekto
Maaaring minsan ay hindi kayo magkasundo
Ngunit alam kong hinahanap mo sa kanya ang mga bagay na magpapanatili sayo
Mga simpleng bagay na parang nakakalimutan na nito
Kung paano nagsimula sa mga tawanan at mga biro
Ang kamustahin ka, ang alon na dapat ay ibinahagi niya
Dahil katulad ng Buwan ay kailangan mo ang mga tala
Sa madilim na parte ng iyong kalawakan ay kailangan mo ang kanyang presensya
Dahil hindi lang siya basta mga tala sa kalawakan
Siya ang liwanag at kasagutan sa iyong kahilingan
At nang minsan mong hindi ito nakuha
ay parang unti-unti mong nararamdaman na bawas na iyong ang halaga
Unti-unti kang nakaramdam na para bang nawawala na
Ang pagmamahal mula sa kanya

Kaya naman kahit anong laban mo
Maaari kang mapagod sa tao
Naiintindihan kita
Ngunit gusto kong ipaalala sa'yo
Na hindi ibig sabihin nito ay wala na ang pagmamahal mo
Paulit-ulit ka man na nabigo sa mga bagay na gusto mong ibigay niya sa'yo
Tandaan mong hind ito sapat na dahilan para isipin mong hindi na siya ang tamang tao
Uuwi ka pa rin sa kaniya
Kahit ilang ulit mo sabihin sa sarili mong pagod na pagod ka na
Sapagkat ang totoo ay siya mismo ang pahinga mo
Sa lawak ng dagat ay siya pa rin ang daungan mo

Kaya 'wag kang mapagod na piliin ang taong mahal mo
Sinusubok ka lang ng pagsuko
Inaalam nito kung hanggang saan mo kayang ilaban ang pag-ibig niyo
'Wag kang magpatalo sa binabato niyang bigat sa'yo,
Sumigaw ka, kung kinakailangan ay humingi ka ng saklolo
Dahil ang pakiramdam ng pagkakulong ay hindi natin gusto
Makikinig ang iba kung kailangan mong ibulong ang nararamdaman mo sakanila
Hindi ka mag-isa, pinipili mo lang talaga ang mapag-isa
At kapag sapat na sa'yo ang pagpili mo sa tulad ko
Ay bumalik ka na muli sa tinalikuran mong mundo
Sigurado ako, nag-aabang na siya sa'yo ; sa daungan mo

At para sa'yo,
Sana ay nababasa mo ang piyesang ito
Sana ay sabay niyong itayo ang tahanan niyong paguho
Sabay niyo pa rin sanang tuparin ang mga pangarap na kayo mismo ang bumuo
'Wag sana siyang mapagod piliin ang isang tulad mo
At kumapit kayo sa pangako, na kayo pa rin hanggang dulo
Dahil kung wala na siyang dahilan para piliin ang tulad mo
Ay pipiliin nalang niya ang pagmamahal niya sa'yo

Tula mula sa mga talaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon