Prologue

60 1 0
                                    

Napaka bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Masyadong naging emosyonal ang mga nagdaang araw. Tumunog ang kampana ng simbahan na nagpapahiwatig na oras na para mag simula.

Puting mga bulaklak ang makikitang nakadisenyo rito sa simbahan at ang bawat isa ay nakasuot ng color peach. Bawat bisita ay may kanya kanyang anking ganda at nahihighlightan pa ito ng make up na nakalagay sakanilang mukha.

Isa-isa na naglakad ang mga bisita papunta sa altar at ako na ang susunod.

Halos lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin. Napadako ang mga mata ko sa lalaking nasa harapan ng altar at naghihintay.

Makisig na lalaki na aking unang minahal.

Nakasuot ito ng puting coat na bumagay sa kanyang kayumanging kulay. He's standing there tall and bold na parang wala itong kinakatakutan. Lahat ng nasa simbahan ay halos puti pero may isang bagay na nang aagaw atensyon at iyun ay ang pulang rosas na nasa bulsa ng kanyang coat.

I love this man so much.

Pumikit ako para mas madama ang tibok ng puso ko.

Kasabay ng pagkapikit ko ay ang pagsilay ng mga alaala.

UNTOLD FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon