U

34 0 0
                                    

-1-

Malakas na hangin ang sumalubong saakin pagkalabas ko ng room. Sumabog ang bawat hibla ng aking buhok sa aking mukha, sinikop ko ito at inilagay sa kanan kong balikat. Kakatapos lang ng klase at break time na.

"Dawn, samahan mo 'ko sa canteen!" Tinig ni Era mula saaking likod.

Siya si Seraphinne Batan, isa sa pinakamaganda kong kaibigan. May kaartehan at kamalditahan pero mabait naman kapag naging kaibigan mo.

"Hoy, Era! Ta-tanga tanga ka nanaman , yung wallet mo nakita ko ruon sa Teacher's table." Sabay bato ni Aly sa wallet ni Era na agad naman nasalo.

Alysson Madrigal, nagsisilbing nanay naming mag kakaibigan. May pagka-Oc pero 'di takot sa germs. Isa sa pinakamatalino sa room namin na nagsisilbing kopyahan namin minsan.

"Kaya pala wala akong makapa sa bulsa ko." Saad ni Era at hinila na ako pababa para makapunta na kami sa canteen.

Grade 10 student na kami sa Maranatha Christian Academy. Hindi naman gaano kasikat 'yung school namin pero it is a private school naman, kaso minsan may komplikasyon na nagaganap sa aircon kaya mas gusto tumambay duon ng iba kong kaklase.

Pagkababa namin sa Canteen ay nalanghap ng aking ilong ang halo halong amoy ng iba't ibang putahe. Hindi ako bumibili ng kanin sa canteen dahil pinababaunan naman ako ng kanin ni mama at ang nabibili ko lang duon ay mga chichirya. Pumila muna ako para makabili ng Onion Rings at pagkatapos ay umupo sa isang table sa canteen. Medyo mahaba ang pila sa parte kung saan binibenta ang ulam kaya binuksan ko na ang chichirya ko at kinain iyun habang sinusuyod ng mata ang buong canteen.

"Rish, dito!" Rinig ko sigaw ni Kairo sa kanyang kaibigan.

Kairo Theo De Pillar, boy best friend ko na sobrang mahal na mahal si Aly. Mabait ito at gwapo, matalino ngunit tamad.

Agad na lumapit si Rish kay Kairo para makasingit sa napakahabang pila.

Riashey Zion Lucero, Gwapo rin at matalino pero tamad. Matangkad at may morenong kulay. Lalaki na siyang unang nag padama saakin kung ano ba talaga ang pag ibig. Hindi naman kami nag uusap dati pero bigla nalng kaming nagkaroon ng koneksyon na agad ring nawala.

Hinagod niya ng kamay ang kanyang buhok at mukhang problemado sa haba ng pila, kahit na nakasingit ito kay Kairo.

"Dawn, anong balak mo sa modelling natin sa english?" Biglang sulpot ni Aly sa aking gilid.

San man kami mapadpad ay hinding hindi niya malilimutan ang mga requirements na nag aantay saamin. May modelling kasi kami sa english at tungkol iyun sa mga greek goddess. Ako ang napili nilang mag model dahil sa tangkad na meron ako at dahil narin maalam ako pag dating sa mythology.

"Sino ba ang partner ko ruon?" Kinuha ko yung dala niyang gulaman at ininuman iyun.

Wala kasi ako nung panahon na pinili yung partner ko dahil naiihi ako.

"Si Rish."

Agad kong naibuga ang gulaman na iniinuman ko.

Si Rish?!

"Grabeng affected naman yan, Dawn. Akala ko ba wala kang feelings? Bakit ganyan ka naman makareact?" Ngumisi siya at kumuha ng tissue sa harap namin para punasan yung balat niyang inabutan ng gulaman.

"Gulat lang ako."

Sa totoo lang, simula grade 7 pa nila ako inaasar kay Rish dahil naging kapartner ko rin ito sa Music.

Hindi naman talaga kami ang shiniship dati kundi silang dalawa ni Era, noong grade 7. Nag laro kami noon ng truth or dare. Natalo si Era at pinili niya ang truth kaya napaamin siya na gusto niya si Rish. Nag tulakan pa silang lahat dahil halos lahat ng babae sa room ay nawiwindang sa kagwapuhang taglay ni Rish.

UNTOLD FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon