-2-
Nagising ako dahil sa hindi malamang oras pero kita ko sa labas ng bintana ay madilim na. Agad akong napatayo at kinapkap ang phone ko para malaman kung anong oras na.
9:00pm
10 missed call from Mamsh.
Nagulat ako sa oras at sinuri ang aking paligid. Wala na si Rish sa pwesto niya at nakapatay na rin yung laptop. Tinawagan ko si Mama at nasagot naman ito kaagad.
"Nak, buti namn sinagot mo. Pumunta ako kaganina jan tas tulog ka sabi ni Rish. Nandito ako ngayon sa puregold at may binibili, Dyan ka muna, ah." Sabi nito at agad pinatay ang tawag.
Hindi man lang ako nakapagsalita dahil parang nag rarap mama ko sa bilis mag salita.
Naka amoy ako ng something na mabango sa kitchen kaya pumunta ako. Hindi sabon naaamog ko kundi adobo. Spicy adobo.
Ngayon lang ako natuwa ng husto kay Rish.
"Wazzap, bobo!" Tawag ko rito. Tumingkayad ako ng kaunti para maakbayan ko 'to at malugod na inamoy ang kanyang niluluto.
"Kain ka na. Luto na 'to." Pinatay niya yung heat sa stove pati ung gas at isinalin ang niluto sa malaking mangkok.
Umupo na ako sa mesa nila at inantay siyang matapos. Kumuha ito ng dalawang plato at isang pitchel ng juice. Kinuha ko yung pitchel at sinalinan ang dalawa naming baso. Nag lagay na siya ng kanin sa pinggan niya at ipinasa saakin. Pagkalagay ko ng kanin ay tinikman ko na ang niluto niya.
Ansarap!
"'Di ko alam na marunong ka palang mag luto." Puri ko rito. Agad lumaki ang ngisi nito at mukhang mag yayabang. Dat pala 'di ko na pinuri.
"Syempre naman, ganyan talava pag isang Rish ang nag luto." Umirap nalang ako sa ere at ipinagpatuloy ang pagkain.
Isa yun sa pinakauna naming paguusap ng matino.
Noong grade 9 naman ay nahati ang section namin sa dalawa dahil dumami ang grade 9. Hindi ko gaanong naramdaman si Rish noon dahil nasa kabilang section siya.
Year 2019, Sobrang malas ko dahil naging kaklase ko yung kaaway ko noong grade 6 ako. Yung kaaway ko na iyun ay sikat at maganda, nagulat nalang nga ako kasi bigla ko siyang naging kaaway. Nakapag usap na naman kami para sa closure at sinabi lang nito na maganda raw ako at matalino, natatakot lamang raw silang malamangan, which is hindi ko maintindihan. Napaka ganda niya at napakalayo ko naman sakanya. Siya si Lily Collins, mukhang manika at ansarap iuwi.
Grade 9 ako at malapit na ang Prom. Nag hahanap na sila ng partner habang ako ay nasa sulok lamang. Matangkad ako at unti lamang ang boys namin kaya alam ko na ililipat nila ako sa ibang grade. Sa katunayan ay ayaw kong umattend ng prom dahil nakakatamad. Kailangan mo pang mag make up at mabigat ang gown. Gusto kong mag dress nalang ngunit hindi pumayag si mama. Noong grade 7 and 8 kasi ako ay kami lang ni mama ang nagmamake up saakin at hindi pa siya marunong! Kaya parang napagtripan mukha ko noong prom. Never din akong nakasayaw sa performance ng kaklase ko dahil nililipat ako palagi sa mataas na level.
Naging mag kapartner noong grade 7 si Kairo at Alysson, nanalo silang dalawa sa title ng mr. and ms. freshman. Kapartner din noon ni Rish si Era at napanalunan nilang dalawa ang star of the night.
BINABASA MO ANG
UNTOLD FEELINGS
RomanceMost of the love stories, are still a hidden feelings and are unsaid to the person it belongs.