Epilogue

30 1 0
                                    

(This will be the last chapter. Thanks for reading!)

Pag katapos nung nangyare last time ay tumaas taas ang kompyansa ko. Tadhana na ang nag sabi.

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa kinabukasan na ang prom. Love story ni Taylor Swift ang sasayawin ng mga kaklase ko. Mas nakilala kasi kaming grade 10 dahil sa play naming Romeo and Juliet.

Si Kairo at Aly lang naman ang bida.

Sa nagdaang araw ay may plano ako. Susubukan kong may gawin.

Susubukan kong maging mas memorable itong prom na ito kahit hindi ko kasama ang mga kaklase ko.

I'll Try to end my suffering.

Nag ipon ako ng tapang sa loob ng ilang araw.

Nasa Tramway na sila at sunod-sunod ang chat ng mga kaklase ko sa Gc namin dahil.....

Late na ako!!

Halos pag madaliin ko na yung Kuya ko sa pag mamaneho niya ng sasakyan dahil masyado siyang kalmado mag maneho, o sadyang 'di lang ako mapakali.

Ito na yun.

Ito na yung araw na hinihintay ko ngnit kinakatakutan ko rin.

Nakasuot ako ng Royal blue colored backless gown. Fit siya pero medyo paluwag ang ilalim. May mga sequence na nag lalagay ng contrast.

Pag dating sa Tramway ay halos madapa na ako sa pag mamadali para makaakyat sa pangalawang palapag. Tinatakan muna ako ng babae sa pinto ng Tramway at binigyan ng Rose  na parang bracelet at inilagay sa aking pulso. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Pag kapasok ko ay tumutugtog na ang love story.

and I say

Romeo take me somewhere we can be alone

I'll be waiting all theres left to do is run

you'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story baby just say yes.

Nahagip kaagad ng mata ko sina Zeyllia at Rish na nag uusap habang sumasayaw. Seryoso lamang na nakatingin si Rish kay Zeyllia na nag sasalita.

Naiingit ako

Sana ako nalang yung kapartner niya

Ako yung tinititigan niya habang nag kwekwento ako

Sa sayaw nila ay walang pa palit-palit ng partner kaya malayang nakakapagusap sina Zeyllia at Rish. Tinignan ko lang sila at binasa ang kanilang expression. Napansin ko na tapos na mag salita si Zeyllia at nakatingin siya kay Rish na para bang hinihintay nito ang sasabihin niya.

Nang mag salita si Rish ay parang nanlumo ang itsura ni Zeyllia ngunit tuloy parin sa pag sayaw.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung yung kanta pa ba naririnig ko o yung kabog ng puso ko.

Natapos na ang kanilang sayaw at bumalik na sa kanya kanyang upuan. Nakahiwalay ako sakanila dahil late ako kaya hindi pa nila ako nakikita. Kami na ang susunod na sasayaw kaya tumayo na ako at pumila.

"Go, Dawn!" Sigaw ni Cleo at pumalapak ng malakas. Sinaway sila kaagad ng Teacher dahil sa ingay na ginawa kaya natatawa ako.

Maayos na natapos ang sayaw at kakain na. Medyo malungkot kumain dahil naka hiwalay ako sa table ng mga kaklase ko. Pero babawi naman ako sa free dance.

Linapitan ko sina Cleo, Aly at Era pagkatapos kong kumain. Ang gaganda talaga ng mga kaibigan ko, ansarap ipa-salvage.

Nag usap kami hanggang sa tumugtog na ang mga kanta sa free dance. Halos mag rakrakan na kami doon sa gitna dahil sinusulit namin ang last year namin.

UNTOLD FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon