L

18 0 0
                                    

-5-

"Mag ayos na tayo, Era." Yaya ni Cleo kay Dawn at tumingin sakin. "Tara!"

Kasama rin kasi sina Cleo at Era sa pag momodel.

Kinuha ko agad ang panghilamos ko dahil mag c-cr kami sa baba at doon sila mag aayos. Pag ka baba namin ay naabutan namin sina Zeyllia na nakapag ayos na.

Natural si Zeyllia at hindi pala ayos, ngunit ngayon dahil sa nilagay niyang kolorete sa kanyang mukha ay mas na highlight nito ang kanyang kagandahan.

"Ang ganda mo, Zeyllia." Manghang sambit ko na ikinakunot ng kanyang mukha at tumawa.

"Ampanget ko nga, eh." Umiling pa ito.

Lumapit sa akin si Era at nakatitig kay Zeyllia. "Ang ganda niya talaga." Manghang nakatingin kay Zeyllia. Si Hera ang imomodel ni Zeyllia at umangkop sa makinis at maputi niyang balat ang ayos.

Nag hilamos muna ako at sinabihan sina Cleo at Era na sa Room nalang ako mag mamake up.

Pag ka akyat ko ay nag ayos na agad ako ng mukha.

"Dawn, paano ito si Rish?" Lapit saakin ni Aly. "Hindi namin alam kung paano magiging Hades ito eh mas mukhang Zeus." Mapanguyam na tumawa si Aly.

Mas mukhang Zeus? Edi ibig sabihin nun mas bagay sila ni Zeyllia? At bakit naman ako naiingit?

"Siya muna ayusan ko bago sarili ko." Nilapitan ko si Rish na nag bibihis.

Kita ang kalahati ng upper body niya at naka itim ito.

"Rish, tara rito at aayusan kita." Tawag ko sakanya at pinaupo siya sa harapan ko.

"'Di ka pa mag aayos?" Takang tanong nito sa akin.

"Hindi, ikaw muna."

Mahal naman kita kaya ayos lang.

Kinuha ko na yung moisturizer at nilagyan siya sa mukha. Nanginginig pa yung kamay ko sa pag lalagay sakanya. Itinaas ko yung buhok niyang nakabagsak sa harapan at tinalian ng riyo.

Kung ano-ano pa yung pinaglalagay ko sakanyang mukha para medyo mawala yung pagiging soft ng mukha niya at maging matapang ang dating.

Simula hanggang matapos ay tahimik lang ito at tinitigan ako. Minsan kinakagat din nito ang pang ibabang labi.

Ako nalang kaya kumagat dyan.

Nang matapos ay tinanggal ko na yung riyo niya at pinasadahan ng suklay yung buhok niya para maayos.

"Ganda ni Zeyllia." Manghang saad nito habbang nakatingin sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko ang nakaputing si Zeyllia at malayang nakalugay ang kulot nitong buhok. Mukha talaga siyang dyosa.

Bumaling uli ako kay Rish na nahuli kong nakatingin sa akin at bumaling uli kay Zeyllia. Mapapa sana all ka nalang, eh.

Kinuha ko na yung gold na crown. Sina Aly at Kairo ang gumawa ng halos lahat ng props namin. Ipinatong ko ito sa kanyang ulo tinitigan siya.

Para talaga siyang si Hades. Kung pwede lang ba, leave the underworld and Rule me instead?

Huminga ako ng malalim at bumaling kanila Aly at Kairo na nakaupo sa gilid namin at kinilig na nakatitig saamin.

UNTOLD FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon